Prtty_mishea
BREAKING NEWS: Estudyante Patay Matapos Pagsaksakin sa Pamorangon High School*
Paracale, Camarines Norte - April 22, 2026_
Isang 17-anyos na Grade 12 student ang idineklarang dead on arrival sa ospital matapos umanong pags4ks4kin sa loob ng Pamorangon High School nitong Martes ng hapon, Abril 21.
Kinilala ng Paracale PNP ang biktima na si alyas "John", residente ng Brgy. Bagumbayan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang 3:40 PM sa likod ng Senior High building matapos ang klase.
Agad rumesponde ang mga guro at dinala ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital, ngunit hindi na ito umabot nang buhay ayon sa attending physician.
"Minamadali na namin ang imbestigasyon. May person of interest na kami base sa CCTV at testimonya ng mga saksi," pahayag ni PLt. Col. Marco Villanueva, hepe ng Paracale PNP. Tumanggi muna siyang magbigay ng detalye kung estudyante rin ang suspek para hindi maapektuhan ang kaso.
Nagluluksa ngayon ang buong Pamorangon High School. Sinuspinde muna ang klase ngayong Miyerkules at Huwebes ayon kay Principal Lilia Ramos. "Nakikipag-ugnayan kami sa pamilya ng biktima at nag-provide na rin kami ng counseling sa mga estudyante at guro na na-trauma," dagdag niya.
Nangako ang DepEd Camarines Norte na paiigtingin ang seguridad sa mga paaralan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
Isang paaralan na dapat puro kasiyahan lamang ang nararamdaman at na e-experience ng mga studyante, ngunit hindi ganon ang nangyari. Ang Paaralan ng Pamorangon ay naging isang killing spot sa hindi malaman na dahilan. Sino nga ba ang nasa likod ng krimen na ito? Ano ang dahilan niya para gawin ito sa mga studyante? May hustisya kayang makukuha ang mga biktima o mananatili itong isang bangungut?
April 27, 2026