Favourite stories
21 stories
Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 880,850
  • WpVote
    Votes 147,089
  • WpPart
    Parts 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa isang mapanganib na pakikipagsapalaran sa mundong ito. Tutuklasin nila ang misteryong bumabalot lupaing ito, at gagamitin nilang magandang oportunidad ang paglalakbay rito upang ipakilala ang New Order sa sanlibutan. Iba't ibang puwersa mula sa iba't ibang upper realm ang kanilang makakasalamuha. Nakatakda na silang magkaroon ng mga kakampi at kaaway, at handa silang gawin ang lahat upang mapili sila ng Land of Origins bilang magiging pinakamalakas na adventurer sa hinaharap. -- Started on wattpad February 1, 2023 - ??
Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 395,385
  • WpVote
    Votes 74,080
  • WpPart
    Parts 72
Synopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumapaw na ulit sa determinasyon at buhay ang kanyang mga mata. Mayroon na siya ulit inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang mga hangarin sa buhay. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan dahil sa pagsasabwatan nina Munting Black, mayroon siyang natutunang bagong karanasan na kinapulutan niya ng aral. Mas lalo pang lumawak ang kanyang pag-iisip, at mas naunawaan niya kung gaano kadilim ang mundo ng mga adventurer kung saan anomang oras ay mayroong trahedyang maaaring mangyari. Ganoon man, ngayong humiwalay na ng landas si Munting Black at ang mag-asawa nina Leonel at Loen, mas mapapabuti kaya ang buhay ni Finn, o mas lalo siyang mahihirapan? Date Started: June 1, 2022 --
Legend of Divine God [Vol 10: Celestial Wrath] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 509,223
  • WpVote
    Votes 88,456
  • WpPart
    Parts 82
Ngayong tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn sa mundo ng alchemy, oras na para maisakatuparan niya ang kanyang hangarin na paghihiganti sa mga salarin sa pagkawasak ng Ancestral Continent at pagkamatay ng mga mahahalaga sa kanyang buhay. Oras na ng paniningil, sapat na ang kanyang lakas at kapangyarihan, at kasama ang puwersang kanyang binuo, ang New Order sisimulan niya na ang pagkamit sa hustisyang inaasam niya para sa mga mahal niya sa buhay. Ipararamdam niya sa lahat ng may kasalanan sa kanya ang galit ng isang Finn Doria. Published on wattpad Dec 25, 2021 - --
Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 693,686
  • WpVote
    Votes 118,840
  • WpPart
    Parts 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul sa loob ng isang misteryosong mundo. Bagong mga kalaban, kakampi, at katunggali ang kanyang makikilala sa pag-aagawan sa mga oportunidad at kayamanan. Isang panibagong paglalakbay na puno ng misteryo at pakikipaglaban sa loob ng mundong tinatawag na "Mundo ng Alchemy". Ganoon man, sino ang nilalang na nagmamay-ari sa mahiwagang mundo? At ano ang kanyang magiging papel sa buhay at pakikipagsapalaran ng binata sa hinaharap? -- Started on wattpad August 17, 2021 - November 25, 2021
Kwadro Alas - Ace of Diamonds by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 675,893
  • WpVote
    Votes 7,861
  • WpPart
    Parts 41
Ang Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwanan sa lahat ng oras maliban na lamang kung pinagagalitan ng kani kanilang mga ina. - - Isa sa mga miyembro nito ay si Darius Guzman. Sya ang nag mamay ari ng titulong "Ace of Diamonds" Sa lahat, sya ang pinakagalante. Pero sya rin ang Pinakamatakaw. At dahil sa talent nyang ito, nabansagan syang "TABAR" ng mga kaibigan. - - Lahat ng alas ay may tinuturing na Reyna. At si Dannica ang nakakuha ng pwestong ito. Pero ito'y mahigpit na tinutulan ni Tabar dahil hindi ganuon kaganda ang dalaga. Sa kabila nito, nanatiling tapat si Ekang sa binata. - - Dumating ang isang mabigat na problema. Kinailangang umalis ni Ekang patungo sa ibang bansa. Mabigat ang kanyang loob na iwan ang pinakamamahal pero di nya kayang pabayaan na lamang ang kanyang ina. Akala nya ay malulungkot si Tabar, pero mukhang balewala lamang dito ang kanyang paglisan. - - Mabilis na lumipas ang panahon. Nakatakbang mag debut si Dannica at naisip ng kanyang ina na gawin ito sa Pilipinas. Malaki na ang nagbago sa dalaga. Dahil sa matagal na pagtira sa ibang bansa, nawala ang insecurities sa katawan ni Ekang at lumabas ang totoo nyang ganda. Sa ideya ng ina, nasabik syang muling makita ang mga dating kaibigan. Lalo na ang dating minamahal. Oras na para sila'y muling magtuos. Ngunit sa pag uwi ni Ekang, duon nya rin natagpuan ang akala nya'y matagal ng wala. Ang kanyang Ama na nang iwan sa kanilang mag ina at nanganganib itong muling mawala dahil sa problemang kinasasangkutan. - - This is the second of Kwadro Alas. Ace of Diamonds - Darius and Dannica. Samahan ang ating mga bida sa pagtuklas kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng tapat at maasahang kaibigan. Tara ? Game !
Kwadro Alas - Ace of Hearts by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 1,522,752
  • WpVote
    Votes 15,134
  • WpPart
    Parts 40
Kwadro Alas. Binubuo ng apat na binata. Lahat galing sa makapangyarihan at mayamang angkan. Ngunit hindi nila ito pinagmamayabang. .. Pagkakaibigang higit pa sa kapatiran. Sagrado ang salitang respeto. Walang iwanan. Walang talu talo. - - Isa si Aldrin Villarama sa miyembro ng Kwadro Alas. Mayaman at Gwapo. Pinagkakaguluhan ng mga babae. Ngunit may nag mamay ari na ng kanyang puso. - - Si Hannah. Mula sa mayamang angkan. Astig at parang lalaki kung kumilos. - - Nagtagpo ang landas nina Aldrin at Hannah. Paglalapit na nauwi sa pag iibigan. Maayos na sana ang lahat. Tanggap ng tatlo pang alas ang bagong miyembro ng pamilya. Ngunit may lihim si Hannah na hindi na masabi sa binata. Habang si Aldrin naman ay may binitawang pangako sa kababatang si Lelay. - - Samahan natin ang makukulit ngunit matibay na samahan ng Kwadro Alas. Tuklasin kung ano nga ba ang sikreto ni Hannah at kung sya ba talaga ang nararapat na mag may-ari sa puso ng Ace Hearts. Paano na ang binitawang pangako ni Aldrin ? - - Kwadro Alas. Pagkakaibigan. Pamilya. Respeto. Tiwala. - - Mangisay sa tawa. Bumula ang bibig sa kilig. Ma ihi sa aksyon. Mabaliw sa mga bida. \m/
Legend of Divine God [Vol 8: Advent of the Divine Child] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 450,596
  • WpVote
    Votes 75,774
  • WpPart
    Parts 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn sa Dark Continent, nagawa niya ang hamon ni Munting Black, at ngayon, babalik na siya sa Ancestral Continent upang muling makasama ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan. Subalit, isang trahedya ang sumalubong kay Finn sa kanyang pagbabalik. At dahil sa trahedyang ito, magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng binata. Magiging iba na siya sa dating Finn Doria. -- Started on Wattpad: April 11, 2021 - August 2, 2021 Illustration by Rugüi Ên
Legend of Divine God [Vol 7: Continental War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 431,290
  • WpVote
    Votes 69,490
  • WpPart
    Parts 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos ito, kailangang magsimula ng malawakang digmaan upang mabago ang nakasanayan. Mayroon nang lakas at kapangyarihan si Finn upang lumaban, pero, kakailanganin niya pa rin ang tulong ng kanyang mga kaibigan. Sino ang magwawagi sa huli? Ang nais umalipin sa ibang lahi, ang nais pumaslang sa ibang lahi o ang nais mapag-isa ang bawat lahi? -- January 1, 2021 - April 10, 2021 Illustration by Rugüi Ên
Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 338,187
  • WpVote
    Votes 41,268
  • WpPart
    Parts 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at magbigay banta sa Red Dragon Family. Handa na rin siyang hanapin ang grupong Dark Crow sa kaharian sa ilalim ng karagatan upang masimulan ang kanilang pagbabagong hinahangad. Pero, ano itong binabalak ng bagong namumuno sa mga merfolk? At ano ang mga nilalang na naninirahan sa Dark Sea? -- Former Book Cover and Illustration by MISTERGOODGUY Current Illustration by Rugüi Ên September 28, 2020 - December 13, 2020
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 548,829
  • WpVote
    Votes 36,917
  • WpPart
    Parts 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --