My reading list
19 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 44,227,576
  • WpVote
    Votes 1,378,362
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Chasing the Sun (College Series #1) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 69,105,431
  • WpVote
    Votes 2,045,208
  • WpPart
    Parts 47
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 09/09/2020 Ended: 10/07/2020 Solene Clemente was a typical Civil Engineering student who struggled to put up with her studies. Kung pwede ngang i-bake na lang ang napakaraming itlog sa test papers niya, ginawa niya na. At a young age, she experienced the harsh reality of life-poverty, abuse, and a broken family. But, as someone who could see the bright side of everything, she knew she could make it with only her mother and best friend, Duke Laurence Sanders, whom she secretly loved. Kahit pa naghihirap, basta kasama niya ang ina, kaya niya. Kahit pa madalas niyang hindi maintindihan ang lessons, ayos lang kasi may Duke naman na tuturuan siya. Na kahit gaano kalupit ang tadhana, patuloy siyang lumalaban sa buhay dahil may dalawang taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya. She became too dependent on the love they could offer. But little did she know, like the sun she adored, she was destined to be alone.
Taming the Waves (College Series #2) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 64,381,738
  • WpVote
    Votes 1,856,348
  • WpPart
    Parts 48
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed as the black sheep. Araw-araw ay ipinaparamdam sa kanya ng mundo na wala siyang lugar sa sarili niyang tahanan. She was a consistent dean's lister and an obedient daughter, which left her wondering what she had done so wrong to be disregarded as a speck of dust in the wind. They made her feel like she was just dirt, filling up the empty space. The one who would never have her own safe place. Feeling all of this contributed to her endless suicidal ideations. Baka nga tama sila. Baka nga wala siyang halaga at kailanman ay hindi na sasaya. She almost believed that. She almost held onto that notion. Not until she met the man in his BS Civil Engineering uniform and gorgeous grin, Troy Jefferson Dela Paz. He kissed her forehead, and her loud thoughts were silenced. Her demons calmed down. Her foes were defeated. For the first time in her life, she had proven her family wrong---a happy Elora Chin was possible. She was loved and well-taken care of. Troy embraced her sharp parts, not minding the wounds he might get. But fate had a lot of cruel things in store for her. Because when she thought she had reached the peak of happiness, she found myself drowning alone in the ocean she now called home, alone in her shame, alone with the waves she couldn't tame.
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,758,216
  • WpVote
    Votes 308,668
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,781,345
  • WpVote
    Votes 1,185
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3) by jglaiza
jglaiza
  • WpView
    Reads 286,988
  • WpVote
    Votes 7,251
  • WpPart
    Parts 43
Silent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niya ang paglapit sa binata dahil tingin niya ay wala naman siyang mapapala. Akala niya ay hindi na sila magiging close. Pero dahil sa unti-unting pagbabago ni Jade dahil sa kanyang tatlong nakatatandang kapatid na lalaki, unti-unti rin silang naging malapit sa isa't isa. But as Jade grew up, she noticed a lot of changes about herself. Ang mga nakasanayan niya noong bata siya ay unti-unting bumalik. Kasabay ng pagbabago niya ay ang pagbabago rin ng pagtingin niya kay Ethan. Suddenly, she's not seeing him as a brother anymore. She started feeling something for him... something deeper. Gustuhin man niyang aminin iyon sa binata, alam niyang hindi naman siya nito seseryosohin dahil ang alam nito ay babae rin ang tipo niya. Maliban pa roon, natatakot siyang kapag nalaman nito ang tunay na siya, baka bumalik lang sila sa panahong hindi pa siya nito pinapansin. What is she going to do? How long is she going to pretend for the sake of their friendship and her feelings? ** Status: Completed
Ang Mutya Ng Section E by eatmore2behappy
eatmore2behappy
  • WpView
    Reads 171,530,419
  • WpVote
    Votes 5,660,228
  • WpPart
    Parts 134
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya? Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?
[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours by Girlinlove
Girlinlove
  • WpView
    Reads 24,934,820
  • WpVote
    Votes 250,978
  • WpPart
    Parts 101
Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)
The Unlucky Heiress (Silent Lips Series #1) by jglaiza
jglaiza
  • WpView
    Reads 1,412,212
  • WpVote
    Votes 27,143
  • WpPart
    Parts 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in the country. And because she's known, she doesn't have a private life. Everyone knows who she is, what she loves to do and how she treats people. That also includes the incident that happened to her when she was a child. Because of that incident, people kept on saying things behind her back as if they know what she feels. For once, Zoey wanted to have a quiet life. Nagpasya siyang lumayo muna sa mga taong mapanghusga at alam niyang hindi mapagkakatiwalaan. That's when she met Nickolai Monasterio. Fortunately, hindi siya kilala ng lalaki. Dahil doon, nagpasya siyang itago rito kung sino nga ba talaga siya. And because of that, she found peace. For once in her life, she felt happy. He makes her happy. But she knows she can't be happy forever... because she knows she needs to tell him the truth. The truth about who she is. ** Status: Completed
Monasterio Series #2: After All  by Warranj
Warranj
  • WpView
    Reads 5,927,008
  • WpVote
    Votes 141,163
  • WpPart
    Parts 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask even if it's already beyond her. Ang hindi pagkakaroon ng nobyo habang nagaaral ang kaisa-isang patakaran ng mga magulang niya. It's easy for her... too easy. Not until he met Daniel Monasterio, the man who judged and embarrassed her in front of many. "She's pretty. Too pretty actually. Pero walang dating. Puro ganda lang. Hindi papasa sa akin." Those words kept on ringing inside Cheska's head that fueled the anger in her. Dahil doon, nagdesisyon siyang patunayan sa Daniel na iyon na may ibubuga rin naman siya at hindi puro ganda lang. Little did she know that while she's having those small fights and arguments with Daniel, it only made her fall for the man whom she thought was nothing but a playboy. He has been always ready to fight for her; she isn't. He's ready to marry and build a family with her; she married someone else while he's watching from afar. Hearts and promises gets broken. Love becomes ugly and coward.