TiffHoney
(A One-Shot Love Story)
'Maikli lang ang buhay', 'yan ang madalas na sinasabi ng mga taong nais sumulit ng kanilang mga oras sa mundo. Sinasabi ng mga taong nais na magpakasaya at gumawa ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa noon. Sinasabi ng mga taong nagmamahal ng sobra-sobra kahit na paulit-ulit ng nasasaktan sa parehong tao. At sinasabi ng mga taong, nalalabi na ang mga oras dito sa mundo.
Pero para sa'kin, hindi lang maikli ang oras, hindi rin ito patas sa mga tao. Paano mo gagawin ang mga bagay na nais mong gawin kung lahat ng ito ay ipinagbabawal sa'yo? Paano ka magmamahal kung ang tadhana na mismo ang nagkakait sa'yo sa taong pinakamamahal mo? Paano ka tatagal kung puro masasakit ang mararanasan mo? Oo, maikli lang ang buhay, pero hindi patas ang mundo. -Kylie
--
Una't Huli
by: TiffHoney
Date: October 14, 2020