Maricar
23 stories
TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 85,963
  • WpVote
    Votes 4,013
  • WpPart
    Parts 12
Para kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya sa kagaya nito pero iyon ang nangyari. Kahit hindi pa niya lubos na kilala ito ay sumugal siya sa pag-ibig nito. At sa piling nito ay naramdaman niya ang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naranasan kahit kailan. Isang araw ay nagpaalam ito sa kanya at nag-iwan ng isang pangako na babalikan siya. She held on to that promise. Sadly, he never came back.
MARRYING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 425,694
  • WpVote
    Votes 11,134
  • WpPart
    Parts 13
Nasusuong sa malaking problema si Lettie. Biglang sumulpot ang kaniyang ama na matagal na panahong nagtago dahil sa halos milyong utang na iniwan nito sa kanila dahil sa pagkalulong nito sa bisyo. At bumalik ito upang sabihing may paraan na itong naisip upang mawala ang mga utang nila - iyon ay ang pakasalan niya ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola na si Damon Valencia. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang napagpilian kung hindi ang pumayag. Ngunit unang beses pa lamang nilang pagkikita ni Damon ay hindi na kaagad maganda ang impresyon niya rito. Tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito. Ngunit nang makasama na niya ito ay narealize niya na hindi naman pala masamang mapangasawa ito. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang alam niyang delikado ang puso niya rito. Dahil kahit nagsasama na sila ay isa pa rin itong estranghero na maraming lihim sa pagkatao. At isa sa mga iyon ang dudurog sa puso niya. PS: this story was originally published March 2012 under Precious Hearts Romances. Ang i-po-post ko dito ay ang unedited version. :) PPS: thank you Abby (@ohCheeseball) for the cover. :)
Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 2,281,993
  • WpVote
    Votes 42,843
  • WpPart
    Parts 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother. Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya. "I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return." Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili
Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,455,943
  • WpVote
    Votes 33,008
  • WpPart
    Parts 48
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka." Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili. But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang. Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore. Doon ay nakilala niya si Ryan Decena. Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa. Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay. Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them. Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,787,080
  • WpVote
    Votes 40,457
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Bachelor's Pad series book 3: PLAIN JANE'S MR. ARROGANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,692,615
  • WpVote
    Votes 38,280
  • WpPart
    Parts 34
Buong buhay ni Jane passive siyang tao. Plain hindi lang ang hitsura niya kung hindi pati ang personalidad niya. Kaya naman kahit kailan hindi siya umasa na mapapalapit siya kay Charlie Mariano, her puppy love, her first love and her one true love. Kaya naman nang isang gabi ay sumulpot si Charlie para sa dinner dapat ni Jane kasama ang lolo ng binata ay labis siyang nagulat. Lalo na nang malaman niya na fiancée pala niya ito alinsunod sa kagustuhan ng lolo nito. Ni wala siyang kaalam-alam! Binigyan pa sila ng mga pamilya nila ng dalawang buwan para kilalanin ang isa't isa bago ianunsyo ang kanilang engagement. Galit na galit si Charlie. But Jane realized it was her chance. Sa unang pagkakataon gusto niyang gumawa ng paraan para makuha ang isang bagay na gusto niya. Kaya balak niyang gamitin ang dalawang buwang palugit na iyon para paibigin si Charlie. It was the gamble of her life. Because if she failed, she will surely end up with a broken heart. PS: this is one of my personal favorites. :)
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,553,574
  • WpVote
    Votes 34,684
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?
Bachelor's Pad series book 1: MR. INVINCIBLE by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,677,244
  • WpVote
    Votes 42,441
  • WpPart
    Parts 34
Maraming ginawang kasamaan noon si Daisy. Kaya gusto niyang ayusin ang buhay niya at patunayan ang sarili sa lahat. Subalit ang mga tao sa paligid niya duda na may kakayahan siyang magbagong buhay. Maliban kay Rob Mitchell, ang lalaking minsan ay tumulong sa kaniya nang gantihan siya ng mga babaeng nasaktan niya noon. Hindi itinago ni Rob ang interes nito kay Daisy. Kapag pakiramdam niya may problemang hirap siyang lusutan, tila hero na tumutulong kaagad sa kaniya ang binata. He makes her stronger and more determined to fix her life. Kaya hindi na siya nagulat ng isang araw ay magising siya at mapagtantong mahal na niya ang binata. Ngunit kung kailan akala ni Daisy perpekto na ang takbo ng buhay niya, nalaman naman niya na walang balak si Rob na permanenteng manatili sa buhay niya. Rob is determined to leave the country for good. Narealize ni Daisy... si Rob na yata ang karma niya. Because she never felt so hurt before until he told her he cannot stay.
MY ENIGMATIC STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 283,960
  • WpVote
    Votes 8,469
  • WpPart
    Parts 22
Sa tagal ni Coffee sa industriya bilang isang showbiz reporter ay halos alam na niya ang lahat ng tungkol sa mga celebrities na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Walang sikretong hindi niya alam at kung mayroon man ay gumagawa siya ng paraan upang malaman iyon. Pero may isang tao na kahit anong gawin niya at ng mga tulad niyang reporter, ay hindi nila mapiga-piga nang tungkol sa nakaraan at iba pang personal na bagay tungkol dito - si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Pero isang gabi ay aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sikreto nito. ang malala ay nabisto siya nito na nalaman niya ang sikreto nito. dahil doon ay hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil nainis siya sa kasupladuhan nito ay ipinangako niya sa sarili niya na hindi siya nito mapipigilang alamin ang lahat ng sikreto nito. Pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng lahat. Pero hindi lahat ay umayon sa plano niya. Kasi sa tuwing may nalalaman siyang tungkol dito ay mas lalo niya pa itong gustong makilala. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan - nahulog ang loob niya rito. Nang malaman niya iyon ay bigla siyang natakot. Alam nya kasing walang kahahantungan iyon. Dahil para kay Ace isa lamang siyang makulit at pakielamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito.
MY LOVELY STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 375,061
  • WpVote
    Votes 11,255
  • WpPart
    Parts 19
"Don't smile like that at other people. Akin lang iyan, maliwanag?" Patricia was Miss Goody Two-shoes-palaaral, palaging gustong mag-isa, at mahilig magbasa ng libro. Kaya hindi niya inakalang makukuha niya ang atensiyon ni George, the arrogant but probably the most handsome and famous guy in campus. When he gave her a rose, she knew she had his heart for keeps. But then she saw him kissing another girl. Sinira niyon ang pangarap niya para sa kanilang dalawa. They were separated for a long time. At nang magkita uli sila, she was now Risha, the sex goddess of the modeling world at pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Ito naman ay CEO na ng isang malaking kompanya na pag-aari ng pamilya nito. Hindi nito nagustuhan ang pagbabago niya ng imahe na animo pag-aari siya nito. Naguguluhan siya sa inaakto nito. Could it be that he was still in love with her after all these years?