ONLY HOPE
jessajade
"We do not meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason" -unknown-
Minsan may mga tao talaga tayong makikilala sa ating buhay for a reason. Meron ding mga taong makakasama natin sa panghabang-buhay o meron ding tao para turuan tayo kung gaano kahalaga o kaimportansya ang buhay. Kaya habang kapiling natin ang mga ganitong tao ay matuto tayong pahalagahan ang bawat masasaya, malulungkot, maganda man o masama. Sapagkat ang lahat ng mga ito ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon at leksiyon upang tayo ay magpatuloy sa ating buhay.
Ang lahat ay may katapusan. Walang permanente sa mundong ito. Mga halaman, hayop o mga bagay man at mga tao ay may katapusan dito sa mundong ibabaw. Ang lahat ng mga ito ay lilisan at lilipas din. Kaya matuto tayong sabihin sa ating mga minamahal ang ating mga nararamdaman; sa ating mga kaibigan, kapatid at higit lalo sa ating mga magulang at sa lahat ng ating minamahal. Dahil baka sa isang iglap ito ay mawala sa atin at tayo ay magsisi. Magsisi dahil kailanman ay hindi natin ito pinahalagahan. At nalaman na lang natin ang totoong kahalagahan nito ng ito ay mawala na sa ating buhay. At ito ay maging isa na lamang malungkot at masasayang ALAALA!
ONLY HOPE (KAHIT ISANG SAGLIT)
....Tunghayan natin ang kwento ng buhay ni Jasmine!.....