Divinethopia
Alam kong hindi ako normal na tao. Ako ay may kapangyarihan na wala sa iba pero hindi ako espesyal at malakas katulad ng iba. Buong buhay ko nanirahan akong mag isa. Walang kalinga ng isang magulang. Pero pinilit kong magpakatatag para sa aking sarili.
Hanggang dumating ang araw na kinakailangan kong mag aral. Akala ko duon na magsisimula ang pagsubok ng buhay ko pero hindi pa pala. Pinilit kong palakasin ang aking sarili hanggang sa hindi inaasahang pangyayari.
Ako ay nabalik sa dating panahon. Hindi ko alam kung paano makihalubilo sa una hanggang sa natutunan ko ng makiisa sa kanila. Ang mga bagay bagay na hindi ko makuha sa dating mundo na pinanggalingan ko ay simple ko nalang naabot sa lugar na toh.
Kalinga ng magulang ay napunan. Kaibigan na tinatamasa ay naabot ko na. Pero panandaliang saya lang ba talaga hanggang dulo?
Isang misyon ang kailangang gawin buong pagkatao ay matutuklasan. Pag ibig ay makakamtan. Pagkasawi ay ating tunghayan.