sunmaruuramnus
- Reads 142,704
- Votes 2,119
- Parts 60
Kabado akong sumiksik sa ilalim ng kama ko...
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa baba, pero naririnig ko ang pag-iyak ng aking ina.
"M-master... maawa po kayo... wala pa po talaga akong pambayad sa utang ko..."
Aniya ng aking ama, nanginginig ang boses, habang umiiyak.
Napatakip ako sa aking bibig nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto.
Nakita ko ang makintab na black shoes na marahan humahakbang sa sahig... nakita kong hinawakan nito ang picture frame na nakapatong sa drawer ko.
Maya-maya, binitawan niya iyon at umikot sa kabilang side ng kwarto. Pinigil ko ang paghinga ko, halos gusto kong mawala sa paligid.
Mahigpit kong niyakap ang munting teddy bear na iniregalo pa sakin ng aking ama noong 12th birthday ko... pero agad akong napatili nang may marahas na humila ng paa ko palabas sa pinagtataguan ko.