FilipinasCaluza's Reading List
18 stories
THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 396,527
  • WpVote
    Votes 12,386
  • WpPart
    Parts 35
THIRTY FIVE years old na si Arci Marie Roque at matagal na niyang tanggap na hindi para sa kaniya ang pag-aasawa. Lahat ng pagmamahal at atensiyon niya ay ibinubuhos niya sa kanyang pamilya, sa bestfriend niyang si Jaime at sa kpop idols na pumupuno sa bawat pader ng kanyang kuwarto. Kaso worried ang pamilya niya. Kinumbinsi siya ng mga ito na magbakasyon para may makilala raw siyang lalaki. Tinawanan lang ni Arci ang mga ito pero during her birth month, nagpunta siya sa Taipei. At doon hindi inaasahang nagkita sila ni Gray Delan, ang masungit at snob niyang boss. For eight years, parehong hindi maganda ang impresyon nila sa isa't isa. But she had the surprise of her life when she ended up liking Gray during the time they were in Taipei. Lalong nabulabog ang puso at isip ni Arci nang pag-uwi niya sa Pilipinas, bigla naman nag propose sa kaniya ang bestfriend na si Jaime, na sa totoo lang ay ideal man niya at love ng buong pamilya niya. Na-confuse si Arci. Pipiliin ba niya ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng kilig at saya for the first time in her life? O tatanggapin ang proposal ng lalaking deep inside ay matagal na niyang hinihintay?
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 360,656
  • WpVote
    Votes 10,376
  • WpPart
    Parts 47
Kuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she was dangerous. Hindi lang ito masyadong maganda at masyadong bata para sa kaniya, ninakawan pa siya nito ng halik bago sila naghiwalay. Kaya nang magkita uli sina Cenon at Wilma ilang buwan ang nakalilipas, desidido siyang iwasan ito kahit pa attracted silang pareho sa isa't isa. Pero sa huli, hindi rin nila napigilan ang nararamdaman. Iyon ay kahit puro problema, disapproval, panghuhusga, tsismis at kung anu-ano pa ang kinaharap nila. Hanggang isang araw, nalaman nilang konektado pala sila ng isang trahedya na nangyari sa nakaraan. Koneksiyon na mukhang makakasira sa kanilang nagsisimula pa lang na pagmamahalan.
THE ASSISTANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 590,750
  • WpVote
    Votes 18,065
  • WpPart
    Parts 38
(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya nang alukin siya ng boss niyang si Dominic Roman para maging executive secretary nito kasi siya raw ang nag-iisang tao na hindi mai-inlove dito, pumayag siya. Parehong malinaw na professional lang ang gusto nilang relasyon at sa unang mga linggo ay ganoon ang nangyari. Pero nang magpunta sila sa Singapore para sa isang business related trip. nagbago ang lahat. May nabuong attraction sa pagitan nilang dalawa. Kay Dominic niya naramdaman kung paano ang alagaan at gawing first priority na kahit siya hindi ginagawa sa kanyang sarili. Kaso pagbalik nila sa Maynila sinalubong sila ng problema. Narealize niya na mas komplikado pala kaysa akala niya ang buhay ni Dominic. Magte-take pa rin ba siya ng risk kahit na may posibilidad na masaktan ang mga anak niya kung ipagpapatuloy niya ang relasyon sa binata?
A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 128,008
  • WpVote
    Votes 3,579
  • WpPart
    Parts 33
Magkaibang magkaiba sina Reira at Simon Ker. Si Reira ay positibo, lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya at pasko ang paboritong holiday. Habang si Simon Ker naman ay ubod ng sungit, may hindi magandang alaala ng kanyang kabataan at ayaw sa pasko. Sa unang tingin ay isang bagay lang ang tila ugnayan ng dalawa - iyon ay ang pagiging regular customer ng binata sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Reira. Hanggang makilala ni Reira ang lolo ni Simon Ker at marinig ang kwento ng pag-ibig ng matanda. Sa tulong ng love letters at journal nito na pinakupas na ng panahon, desidido si Reira na hanapin ang first love ni lolo Flor bilang regalo rito sa pasko. E ano kung hindi sangayon ang binata? Hindi rin naman nito natiis na hindi sila tulungan sa paghahanap. Along the way ay hindi na lamang ang love story ni lolo Flor ang naging laman ng isip ni Reira. Lalo at unti-unti niyang nadidiskubre ang dahilan ng komplikadong personalidad ni Simon Ker. At na hindi lang naman pala puro sungit lang ang mayroon ito. That he can also be caring and... lovable. Bigla ay hindi na lamang ang lolo nito ang gusto ni Reira na bigyan ng masayang pasko. Mas higit niyang nais pasayahin ang binata. Gusto niyang... mahalin siya nito. Pero dahil sa isang pangyayari ay sinabi ni Simon Ker na nagsisisi itong nakilala siya nito. Hindi na nga siya minahal, nagalit pa sa kaniya. Mukhang si Reira tuloy ngayon ang makakaranas ng malungkot na pasko.
Mafia boss is inlove to his sexytary by user40357293
user40357293
  • WpView
    Reads 76,383
  • WpVote
    Votes 1,385
  • WpPart
    Parts 16
this is full of flirty lines full of bitches lines little mystery friendship scene and kilig lines
David of New York Meets Esang ng Tondo by celeste_cardoso
celeste_cardoso
  • WpView
    Reads 99,451
  • WpVote
    Votes 2,181
  • WpPart
    Parts 12
What happens when a New Yorker meets a Tondo Girl? Riot kaya gaya ng pagkakaiba ng mundong ginagalawan nila? O mabubuo ang pagmamahalang walang kinikilalang estado sa buhay?
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 220,971
  • WpVote
    Votes 5,014
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
Creepy Little Thing Called Love (Revised Version) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 262,158
  • WpVote
    Votes 6,052
  • WpPart
    Parts 21
Published under PHR 2013 Marcus Silvestre: ▪successful businessman ▪the most elusive bachelor in town ▪womanizer ▪allergic to women with huge emotional baggage "No more nightlife and late night booty calls? Stick to only one woman? Curfews, text messages and phone calls all throughout the day? All of that, and a nagging girlfriend... seriously? 'Di na! Ibahin n'yo ko, mga 'tol. Hindi ako tinatablan ng love bug na dumale sa inyo." Ivory Almirante: ▪alluring beauty ▪smokin' hot body ▪vulnerable ▪brokenhearted ▪allergic to good-looking men "Hindi na ako magkakagusto ulit sa guwapo at macho, wala akong mapapala kundi sakit ng ulo." Higit tatlong taon na ang nakaraan nang unang magkrus ang landas nina Marcus at Ivory. Bangag ang dalaga noon, at napagkamalan ito ng binata na bayarang babae. Ngayon ay muling pinagtagpo ang dalawa ng tadhana. Pareho silang may pinaninindigan, pero pareho din namang tinatablan. Hanggang kailan kaya nila matatagalan ang pagsubok ng tadhana sa kanilang katatagan? Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
[COMPLETED] My Ex's Stepbrother (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 230,558
  • WpVote
    Votes 4,583
  • WpPart
    Parts 10
Hello! May mga naghahanap ng librong 'to kaso wala na raw mabilhan, luma na kasi. Haha! Hindi 'to edited, pasensya na, kung may mga typo at grammatical errors. Sana ma-enjoy niyo :)
Because Almost is Never Enough by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 388,178
  • WpVote
    Votes 8,800
  • WpPart
    Parts 35
Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang nakakaraan mula nang ma-annul ang kasal nila. History na iyon. At sabi nga nila, past is past. Pero dapat pala ay hindi na lang siya humalik sa pisngi ni Yael. Hindi pala kasi handa si Jackie sa wala pang dalawang segundong pagdaiti ng pisngi niya sa pisngi nito. She suddenly became so aware of her ex-husband's oh-so gorgeous stance and sinfully sexy grin. Muli, nabuhay ang mga alaala. Mga alaalang masarap balikan... masarap ulitin. The inevitable happened. Nagkabalikan sila. And history repeats itself. Pero hanggang saang parte ng history nila ang mauulit? Hanggang hiwalayan din uli?