paru-paro
Ang kwentong pag-ibig na ito ay pinagbibidahan nina Lily; isang batang na-inlove kay Taurus De Saga; na hanggang sa kanyang pagdadalaga ay yumabong pa ng husto ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa binata.Ang kaso mahirap paamuin ang toro ng De Saga dahil sa tuwing lumalapit siya rito ay pilit namang lumalayo ito sa kanya. Lahat ay kaya niyang tiisin, maging tanga man siya sa paningin nito ay kaya ng tanggapin. Huwag lang ang hindi mahalin dahil sa sumpang pilit na umaalipin sa damdamin nito. Sapat na kaya ang pag-ibig niya dito upang mapagtagumpayan nila ang sumpa ng pamilya? O si Taurus mismo ang lalayo upang iligtas siya sa tunay na sumpa na dala ng pag-ibig?