MGA ASTIG NA STORIES \m/
5 stories
Brandless (The Code Series Book 1) by MaevelAnne
MaevelAnne
  • WpView
    Reads 118,930
  • WpVote
    Votes 4,255
  • WpPart
    Parts 15
Taong 6060 nabuo ang makabagong mundo na tinatawag na Etudia. Ang mundo na kung saan ang bawat bagay at nilalang ay pinapagalaw ng mga bar codes. Ang mga Brandless, ang mga nilalang na walang bar code. Basura sa lipunan, mga maling nilikha, ang mga nabuhay para mamatay. Sa kalagitnaan ng pag-aalipusta ng mga nakakataas na paksyon, isang babae ang magsisindi ng apoy ng rebulusyon upang pabagsakin ang mundo ng mga numero at maling trato sa mga uri nya na Brandless. Magawa kaya ni Oanna na malagpasan ang pagsubok na ito at tuluyang mapabagsak ang mundong nagdidikta sa buhay ng isa sa kanila? Magawa kaya nyang talunin ang mga nilalang na nagbibigay at may hawak sa buhay nya? ⒸMaevelAnne
Code 0X15 Project A.N.G.E.L by EllenKnightz
EllenKnightz
  • WpView
    Reads 866,362
  • WpVote
    Votes 26,197
  • WpPart
    Parts 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a work to support her disabled father, naiisipan niyang magtrabaho ng part time sa isang local internet cafe and printing shop kung saan aksidente niyang na exchange ang kanyang USB sa isang common customer.. So whats the big thing about it? She just had accidentally opened and accessed to a top secret military file na pag mamayari ng Gobyerno ng Xavierheld Colony, kung saan may kinalaman ito sa re-existence ng lahi ng mga Superior human beings na tinatawag nilang mga A.N.G.E.L.S o ang Artificial Neo Genetic Engineered Lifeforms that were thought to be extinct 22 years na ang nakalipas matapos ang Angelic War. Her life became a total mess nang sinimulan siyang habulin ng Intelligence ng Xavierheld Colony.. convicting her as a spy and an enemy of the state, they want her dead for sure. She bargained for her and his father's life.. The Intelligence approves, but for a reasonable price.. Leaving her no choice but to serve them.. But unexpected things happened, daan upang ma reveal ang kanyang tunay na pagkatao and leaving her confused about her true past.. Her Life totally changed... Secrets are all revealed... There's no turning back... What does it takes to be an A.N.G.E.L.? Genre: Science Fiction [Tagalog-English]
Philippines: Year 2303 - A Game of War by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 159,273
  • WpVote
    Votes 4,153
  • WpPart
    Parts 28
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano. Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa kanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO© at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan; mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kakayahan upang lumaban?
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 214,163
  • WpVote
    Votes 4,946
  • WpPart
    Parts 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 715,040
  • WpVote
    Votes 12,657
  • WpPart
    Parts 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.