trey09
Minsan talaga kailangan natin matutong mag let go, kahit mahirap. Kahit na nagtatalo ang puso at isip mo kung lalaban pa ba o susuko na, kaya lang makulit ang puso mo at lumaban parin kahit pagod at sugatan na. Parang sa isang gera lang kahit pagod at sugatan ka na, lalaban at lalaban ka pa din dahil may pinaglalaban ka. Pero kapag wala ka ng bala, wala kang ibang pagpipilian kundi ang sumuko. Kailangan mo ng magpahinga, you need a break. At sa pag-ibig kapag sobra na at alam mong wala na talagang dapat ipaglaban, suko na. You would have to give your heart a break.