connorleongforever's Reading List
177 stories
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,158,204
  • WpVote
    Votes 46,647
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,245,544
  • WpVote
    Votes 25,029
  • WpPart
    Parts 33
Ang binansagan na playboy sa pamilyang Ford ay walang iba kundi si Deorico Alesano Ford. Ang pang-apat na anak at pangatlo sa triplets.. Umibig ang binata ngunit nasaktan ng mamatay ang kanyang unang pag-ibig dahil sa isang aksidente. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang kasintahan ay minabuti niyang hanapin ang taong may sala. Nakilala niya ang isang dalaga na kanyang magiging kapitbahay. Puno ng galit agad ang kanyang naramdaman na makita ito. Pero hindi niya akalain na ang babaeng paghihigantihan niya ay isa pa lang bulag. Ngunit namuo pa rin sa isip niya na dapat na paghigantihan niya ito. Gagamitin niya ang appeal niya upang makuha ito. Ngunit tila pinaglalaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil ang akala niyang patay na dating kasintahan ay buhay pa pala. Bigla na lang itong lumitaw sa kanyang harapan. Ngunit ang dati niyang nararamdaman rito ay bigla na lang naglaho. Para sa iba na ang tinitibok ng puso niya. Para sa babaeng dapat ay pinaghihigantihan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nalaman na lang niya na sobra na pala siyang nahuhulog sa dalagang si Lara Evangelista. © MinieMendz
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,207,715
  • WpVote
    Votes 25,700
  • WpPart
    Parts 32
Si Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan man pero ginawa niya ang bagay na alam niya na wala ng takas pa ang babaeng iyon sa kanya. Si Joe Lin Ramos, ang babaeng inibig ni Drake. Dahil sa isang dare ay meron siyang nasaktan na tao. Pero hindi niya inaakala ng sapilitan nitong pakasalan siya. At ang alam niya ay isa lang ang dahilan.. Upang gantihan siya.
Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,070,580
  • WpVote
    Votes 23,023
  • WpPart
    Parts 31
Sa walong magkakapatid na Ford ay si Seige ang pinakamahilig mangtrip. Grade school palang ay palagi siyang laman ng guidance office. Si Seige ang sakit sa ulo ng mag-asawang Dimitri at Beatrice. Nang mag-highschool at kolehiyo siya ay isa siya sa binansagang Campus Crush ng West Cassex University, kung saan nag-aaral rin ang mga kapatid niya. Hindi na niya kailangan pang lumapit sa mga babae dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa kanya. Pero isang araw, sa isang visit school activity ng school nila sa ibang school sa maynila. Graduating na si Seige sa college bilang law student kaya kailangan niya rin makita at may iba pang malaman sa ibang professor sa ibang school para mas matutunan ang mundo ng batas. Napadpad si Seige sa pinakagarden kung saan tahimik at payapa, pero may nakita siyang babae na nakaupo habang natutulog sa isang table. Balak niya sanang pagtripan ngunit natigilan siya na makita ang malaanghel nitong mukha. Balak sana niyang nakawan na lang ito ng halik ng tawagin siya ng mga kaibigan niya. Napurnada pa ang binabalak niya at tila siya asong nabahag ang buntot na napatakbo ng magising ito bigla. Magawa pa kaya niyang mapakapag biro sa babaeng hindi kayang lumaban sa kanya at hulog ng langit ang kabaitan. At kung kelan siya nag seryoso ay doon pa siya tila napag tripan ng pagkakataon. Dahil sa paningin ng babaeng nagugustuhan niya ay isang biro lang ang lahat ang feelings niya. Copyrights 2017 © MinieMendz
Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,903,433
  • WpVote
    Votes 40,724
  • WpPart
    Parts 40
Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay natupad ang pangarap niyang iyon. Siya rin ang panganay na anak ng sikat at kinakatakutan na si Dimitri Sergio Ford na isang Mafia Boss. Bukod sa pagiging car racer ay may katangian si Duke na talagang kinaiinisan ng babaeng gusto nito; at iyon ay ang pagiging possessive nito. Bukod sa pangarap ni Duke na maging car racer ay meron pang kinahuhumalingan ang binata. Mailap sa kaniya ito, lagi siyang iniiwasan pag parating na siya. At para bang may sakit siya na maaaring makahawa. Bata pa lang ay parang aso't-pusa na sila. At ang kinahuhumalingan nito ay ang simpleng dalaga na si Nestle Rin Ramirez. Maganda ang dalaga at masunuring anak. Matalino rin ito at mabait. Kaya naman hanggang sa magdalaga ito ay mas lalong lumalalim ang pagkagusto ng binata rito. Inaamin ni Duke na habang tumatagal ay parang hindi na niya maalis sa sistema niya ang dalaga. Lagi siyang nakasunod kung saan ito magpunta. Maging ang school na pinapasukan nito ay siya ring pinapasukan niya. Nagkaroon ito ng boyfriend na kinagalit niya. Kaya hindi makakapayag si Duke na ang babaeng kinababaliwan niya ay madali lang na maaagaw sa kaniya. Gumawa siya ng paraan para makuha ito. Kahit masama ay ginawa niya..Hindi siya susuko hanggang makuha niya rin ito. Nestle Rin Ramirez.. Duke Sean Ford's Property. Ang kay Duke ay kay Duke. Kaya pag kaniya na, hindi na niya hahayaan pang makuha ng iba. ©MinieMendz
Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 612,891
  • WpVote
    Votes 11,879
  • WpPart
    Parts 24
Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos.. "I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel. Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo. Copyrights 2017 © MinieMendz
Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 690,651
  • WpVote
    Votes 14,132
  • WpPart
    Parts 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha lamang ang pagtingin ng kanyang iniibig. Ang madikit pa sa pandikit na si Nyebe ay patay na patay sa pinakabunso ng mga Ford na si Benjamin Apollo Ford. Sya na ata ang malinaw pa sa radyo kung wagas makapagbroadcast ng feeling sa buong mundo . Kahit na hindi sya pinapansin ng suplado'ng si Benj ay todo parin sya sa paghahabol rito. Pero siguro kahit ano mang bagay sa mundo ay nasisira din, gaya lang din ng puso nya. Na-wasak ang puso nyang patay na patay kay Benj ng mismo nitong nilibing ang puso nya sa mga salita nito na nagbigay ng malaking impact sa kanya. Naging sirena sya na naging bula at bigla nalang naglaho. Katulad rin ng pangalan nya na isang nyebe na natunaw at lumipas. At sa taong lumipas ay muling nagkita ang landas nya at ni Benj na sa pagkakataong iyon ay hinahanap pala sya ng binata. Pero sa pagkakataon na ring iyon ay hindi na nya kilala pa si Benj. Ang prince charming nya na ngayo'y naghahabol sa kanya.
MY POSSESSIVE BILLIONAIRE [Completed] by stvrnighttttttt
stvrnighttttttt
  • WpView
    Reads 736,462
  • WpVote
    Votes 11,229
  • WpPart
    Parts 23
Delafuente (series #1)
Tiger 12: Lelantos Beckham by Suno-san
Suno-san
  • WpView
    Reads 236,945
  • WpVote
    Votes 6,689
  • WpPart
    Parts 18
WARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Lelantos Beckham is weirdest among all of Tigers, he always have Barbie doll when he aged fourteen until now. He always got this hope and he long for someone that he already know he can't have anymore, he's charming and a smiling type of friend but you didn't know that he has a big problem. Ligaya Camille Alcantara, at her young age she already build a nice career in modeling. She's indeed beautiful and sexy, kind and thoughtful. An ideal girlfriend or wife to be exact. A twenty five years old sexy model or just Barbie doll?
Tiger 11: Nyle Davis (Completed) by Suno-san
Suno-san
  • WpView
    Reads 205,990
  • WpVote
    Votes 5,737
  • WpPart
    Parts 18
WARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Nyle Davis the owner of Tigers Village, siya din ang may pinakamalakas na radar sa lahat ng Tigers. Pero kahit pala anong lakas ng radar mo ay siya'ng hina ng puso niya pag dating sa mga bagay na wala sa isipan niya. Nyle Davis is a self proclaimed 'Agent', well you can't blame him because that's his dream. He dreamed of catching a big people like syndicates and such, and he made it true to life. He is now playing with some syndicate and he love what he is doing. While Maev Nariahree Ronquillo, an astig tattoo artist with angelic face but demonic personality. Gangster but a tamed one, beautiful but boyish. She once dream to be part of big organization like Mafia, Yakuza and Mafiosa. She even trained herself just in case her dream will soon come true. But world must be playing an Action twisted romance with lust.