Katakuribuquiran's Reading List
19 stories
Supremacy (Part 1) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 2,482
  • WpVote
    Votes 365
  • WpPart
    Parts 1
Synopsis Mahigit isang daang taon na ang lumipas mula nang ilayo ni Finn ang kaniyang sarili sa makamundong mga bagay. Itinuon niya na ang halos lahat ng kaniyang atensyon sa paglikha at pag-eeksperimento para sa kaunlaran. Sa kabila ng kaniyang pagkawala, nanatili pa rin ang kaayusan sa buong sanlibutan dahil sa tulong ng New Order. Ganoon man, isang pangyayari ang muling naglagay sa kanilang mundo sa matinding peligro. Kailangan muli ng mga adventurer si Finn. Nangako siyang poprotektahan niya ang mundo mula sa pagkawasak, pero, kakayanin niya bang isalba ang sanlibutan sa ikalawang pagkakataon? O tuluyan na siyang magagapi ng mga bagong kalaban? -- NOTE: Upang hindi po kayo malito, irerekomenda ko po muna na basahin ninyo ang Legend of Divine God sapagkat ito ay ang sequel ng kuwentong iyon. Salamat!
Atlas Volume 1 [The God Shadow] by chrisseaven
chrisseaven
  • WpView
    Reads 28,300
  • WpVote
    Votes 3,360
  • WpPart
    Parts 53
Ang maging Protector, 'yan ang pina-pangarap ng batang masayahin na si Atlas na nagmula sa nayon ng Atlanya at sakop ng bansang Atlanian. Sa kabila ng pagiging masayahin niya ay isang sugat pa rin sa kaniyang puso ang tanong na kung sino at nasaan na ang mga magulang niya. Ngunit hindi siya napanghinaan ng loob, bagkus ay gagawin niya pa rin ang lahat upang magtagumpay sa buhay. Para makamit ang minimithing mataas na ranggo ay papasok siya sa Atlan Academy, kung saan napakaraming tulad niyang Gifted na may iba't ibang kapangyarihan. Para sa pangarap lahat ay gagawin niya, lahat ng misyon ay itatagumpay niya at lahat ng mga laban ay ipapanalo niya. Ngunit papaano niya pangalagaan at pamunohan ang bansa, kung sa kaniya mismo nakatago ang isang halimaw na nakatakdang magdulot ng kadiliman. Date Started: September 17 2021 Date Finished: October 6 2021 Former Book Cover: Made by Jzone_Ray Current Book Cover: Photo used not mine. Credits to the owner.
Legend of Divine God [Vol 17: Against the Devils] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 754,661
  • WpVote
    Votes 93,999
  • WpPart
    Parts 122
Synopsis: Pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa Divine Realm, walang dudang si Finn na ang kikilalaning pinakamakapangyarihang emperador sa lahat. Matagumpay niyang napaslang si Kardris. Siya ang naging susi para maipanalo ng kaniyang hukbo ang digmaan. Ang lahat ay umaayon sa kaniyang plano, subalit, nagsisimula na ring magparamdam ang kaniyang mga totoong kalaban. Magagawa kaya ni Finn na makuha ang pamumuno sa alyansa na tutugis sa mga diyablo? At sa pagkakataong ito, magtatagumpay na kaya sila na tuluyang matuldukan ang kasamaan ng mga kasuklam-suklam na nilalang? - Cover by @heysomnia Date started: Jan 1, 2025 (wattpad) Date ended: April 29, 2025 (wattpad)
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,003,145
  • WpVote
    Votes 131,484
  • WpPart
    Parts 152
Synopsis: Kinilala na ang ikalabintatlong emperador, at iyon ay walang iba kung hindi si Finn. Siya ang pinili ng kalangitan na magtaglay ng espesyal na kapangyarihan at titulo dahil napagtagumpayan niya ang huling hamon ng Land of Origins na talunin ang Evil Jinn. At sa kaniyang pagdating sa divine realm, samu't saring pagsubok kaagad ang kaniyang kahaharapin upang maprotektahan ang kaniyang mga kasama, kayamanan, at titulo. Bagong mga kalaban ang kaniyang makakaharap, at bagong mga kakampi ang kaniyang makakasama sa pagsasakatuparan niya sa kaniyang mga layunin. Sa pamamagitan ng espesyal na kapangyarihang kaniyang natanggap, maghahatid siya ng malaking pagbabago sa divine realm. Ipapakita niya na hindi siya dapat kalabanin, at ipapaalam niya kung bakit siya ang pinili ng kalangitan bilang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa hinaharap. -- Date Started - July 1, 2024 (Wattpad) Date Ended - ??
Djinn: Dragonborn (Djinn Series #2) [On-Going] by serenaids
serenaids
  • WpView
    Reads 373
  • WpVote
    Votes 36
  • WpPart
    Parts 1
Matapos ang digmaan ng bansang 'Ko at 'Se ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa planetang Hesteas. Nakilala ang maalamat na binatang nagngangalang Stephen sa buong mundo. Bagamat lubos na palakaibigan ang binatang ito, madalas pa rin siyang itinuturing na panganib dahil sa taglay niyang kakaibang lakas. Sadyang napakalawak ng planetang Hesteas. At batid ng maalamat na binata na mas marami pa siyang matutuklasan na mga bagong bagay sa mundong 'to. At dito magsisimula ang panibagong yugto ng kanilang mga buhay. Isang lahi ng mga nilalang na itinuturing na isa sa mga tagapangalaga ng planetang ito ang makakatagpo ng binata. Ano ang magiging parte nila sa buhay ni Stephen?
Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast) by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 32,436
  • WpVote
    Votes 2,113
  • WpPart
    Parts 26
Labing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguriang "Two ultimate Geniuses" sa Ernst Institute. Pormal na ring nakapasa sa panlasa ni Doehring Cowart ang kakayahan ni Linley sa paglililok. At habang lumalaki at lumalakas ang kapangyarihan ni Linley ay kailangan na rin nitong maranasan ang totoong mapanganib na buhay, kaya naman nakapagdesisyon ito na magtungo sa Mountain Range of Magical Beast.
Coiling Dragon Book 2 (Growing Up) by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 43,444
  • WpVote
    Votes 2,720
  • WpPart
    Parts 26
Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay naglalabanlaban gamit ang mahika at espada, na nag-iiwan ng delubyo sa bawat madaanan nito. Ang mga Bakulaw ay siyang namumuno sa kabundukan, kung saan ang malalakas- o ang mga hangal- ay naglakas loob na magpunta para subukin kung hanggang saan ang kanilang lakas. Kahit ang mga makapangyarihan ay bumabagsak din, pinagpipyistahan at inaapakan ng mas malalakas at mas makapangyarihan. Ang mga makapangyarihan ay siyang mamumuhay na parang mga hari; at ang mga mahihina ay pilit na nagsusumikap na mabuhay pang muli sa susunod na mga araw. Ito ang mundo kung saan namulat si Linley. Ipinanganak at lumaki sa maliit na bayan ng Wushan, galing sa angkan ng Baruch Clan, ang angkan ng minsan ng maalamat na lahi ng mga Dragonblood Warriors. Kung saan ang katanyagan ay minsan ng yumanig sa buong mundo, ngunit sa kasalukuyan ay unti-unti ng bumabagsak ang angkan ng mga Baruch, hanggang sa umabot na kahit ang mga tagong kayamanan at mga pamana ay naibinta na. Bilang panganay na anak ay tungkulin ni Linley na ibalik ang dating katanyagan at karangalan na nawala sa kanilang angkan. Sa kanyang paglalakbay ay maraming itong haharapin na pagsubok at hinagpis. May mga bagong makikilalang makapangyarihang kaibigan at nakapangingilabot na mga kaaway. Samahan ninyo ako sa paglalakbay ng alamat ni Linley Baruch. This book is written by I Eat Tomatoes Translated by: who_says_25
Coiling Dragon Book 1 by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 61,578
  • WpVote
    Votes 3,258
  • WpPart
    Parts 25
Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay naglalabanlaban gamit ang mahika at espada, na nag-iiwan ng delubyo sa bawat madaanan nito. Ang mga Bakulaw ay siyang namumuno sa kabundukan, kung saan ang malalakas- o ang mga hangal- ay naglakas loob na magpunta para subukin kung hanggang saan ang kanilang lakas. Kahit ang mga makapangyarihan ay bumabagsak din, pinagpipyistahan at inaapakan ng mas malalakas at mas makapangyarihan. Ang mga makapangyarihan ay siyang mamumuhay na parang mga hari; at ang mga mahihina ay pilit na nagsusumikap na mabuhay pang muli sa susunod na mga araw. Ito ang mundo kung saan namulat si Linley. Ipinanganak at lumaki sa maliit na bayan ng Wushan, galing sa angkan ng Baruch Clan, ang angkan ng minsan ng maalamat na lahi ng mga Dragonblood Warriors. Kung saan ang katanyagan ay minsan ng yumanig sa buong mundo, ngunit sa kasalukuyan ay unti-unti ng bumabagsak ang angkan ng mga Baruch, hanggang sa umabot na kahit ang mga tagong kayamanan at mga pamana ay naibinta na. Bilang panganay na anak ay tungkulin ni Linley na ibalik ang dating katanyagan at karangalan na nawala sa kanilang angkan. Sa kanyang paglalakbay ay maraming itong haharapin na pagsubok at hinagpis. May mga bagong makikilalang makapangyarihang kaibigan at nakapangingilabot na mga kaaway. Samahan ninyo ako sa paglalakbay ng alamat ni Linley Baruch. This book is written by I Eat Tomatoes Translated by Xiantana/who_says_25
Coiling Dragon Book 4: Gods of Yulan by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 8,106
  • WpVote
    Votes 526
  • WpPart
    Parts 6
Ang angkan ng mga Baruch ay muli na namang naging isa sa pinakadakilang makapangyarihang angkan sa Yulan, at si Linley Baruch ay isa sa pinakamakapangyarihang Saint, ngunit hindi ito sapat. Ang Necropolis of the Gods ay magbubukas muli, habang ang mapanganib na prisoon realm Gebados ay nagpaparamdam muli. Ang hangin ng kapalaran ay umiihip, at parehong si Linley at ang kontinente ng Yulan ay habang na babaguhin nila.
Legend of Divine God [Vol 7: Continental War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 435,782
  • WpVote
    Votes 69,630
  • WpPart
    Parts 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos ito, kailangang magsimula ng malawakang digmaan upang mabago ang nakasanayan. Mayroon nang lakas at kapangyarihan si Finn upang lumaban, pero, kakailanganin niya pa rin ang tulong ng kanyang mga kaibigan. Sino ang magwawagi sa huli? Ang nais umalipin sa ibang lahi, ang nais pumaslang sa ibang lahi o ang nais mapag-isa ang bawat lahi? -- January 1, 2021 - April 10, 2021 Illustration by Rugüi Ên