MikeSuazo
Patay Sa Kanya (Literally) is my Wattpad entry for Spooky Nights last year but was not able to finish it on time due to busy working schedule. And because it is the time of the year again, lemme show you a sneak peak of this short Horror-Romance-Comedy with a twist and blend of BL Story. Charot!
Oh eto na:
Ako si Andrei. At isa akong......
Okay, fine - aaminin ko: nakakakita ako ng multo.
Pero please lang, huwag niyo akong i-judge dahil hindi ko 'to gusto! Kung pwede lang ipa-laser ang third eye ko, matagal ko na 'tong pinasara.
Araw-araw, parang horror film ang buhay ko. Pero lately, may mas weird pa sa mga nagpaparamdam sa'kin: isang lalaki sa panaginip ko.
Pangalan niya, Renan.
Panahon pa ng Hapon ang setting, and every time nakikita ko siya, parang... mahal ko siya.
Oo, as in mahal.
Tapos pagkagising ko, may sakit sa dibdib ko na parang may nawawala.
At mas lalo pang nakaka-freak out nang makilala ko ang lalaking kamukha niya - si Gab.
Yup. Si Gab.
Yung mortal enemy kong suplado, mayabang, at certified pain in the ass.
Now tell me, universe, anong kalokohan 'to?
Multo ba 'to ng nakaraan? Sumpa? O love story lang na ayaw magpa-move on kahit sa kabilang buhay?
Isa lang ang sure ako:
Mas nakakatakot pa sa multo ang ma-realize na baka... patay nga talaga ako sa kanya. Literally. 👻💔
Patay Sa Kanya (Literally)
Written by: Julius Denn Mikell P. Suazo (MikeSuazo)
Date Written: October 24, 2024
Date Finished: November 9, 2025