MaanDejesus
- Reads 10,857
- Votes 244
- Parts 20
Tama na, ayoko na.
Sawa na akong lumuha
Sawa na akong sumulat ng mga tula
Na tila ay walang kapupuntahan kundi sa pahina ng aking mga kuwaderno
Na hindi kailanman ito'y mapapansin mo
Sawa na akong gumabay sa mga daliring nagpupumilit sumulat ng aking nararamdaman
Na hindi tiyak kung saan ang paroroonan.
Ayoko nang maghintay nang maghintay nang maghintay sa taong alam ko na hindi na babalik pa
Ayoko na mahal, Nakakasawa na.
Ngunit kahit anong gawin ko
Ikaw at ikaw parin ang nilalaman nitong aking puso
Kahit gaano ko kahirap gawin
Mahal, sadyang hindi kita kayang limutin.
Sapagkat ikaw mahal,
Ikaw ang nagsilbing panyo nang ang aking mga luha ay walang hinto sa pagtulo
Ikaw mahal, ikaw ang kumumpleto sa aking mundo.
Ngunit ikaw rin ang sumira ng aking puso't pagkatao.
-Prixma De Luca