ginoongmarikit25
Hindi ko layong pagdamutan ka sa kung ano ang nilalaman ng aking obra. Basta ang nais ko lamang sabihin sa iyo, nawa'y maging malawak ang iyong pang-unawa.
Naaalala ko pa noong 2012, sinimulan kong isulat ang kuwentong ito. Mag-aaral pa lamang ako noon sa kolehiyo, at dalawang taon mula nang makapagtapos ay sinimulan ko nang ipabasa ito sa aking mga mag-aaral.
Oo, batid kong alam mo na ang aking propesyon subalit hindi ang aking pagkatao.