jamity
He loves me, he loves me not?
Super lumang gawain na yan ng mga babae na desperadang malaman kung may gusto ba sa kanila ang taong gusto nila.
Pero kahit gaano pa man kaluma o kagamit yan ay pinaniniwalaan pa rin yan ni Paula Reyes, ang babaeng inlove na inlove kay Troy Dela Cruz, isang basketball player.
Para kay Paula, totoo man o hindi yang He loves me, he loves me not, wala namang mawawala kung susubukan diba?
Kahit ano man ang kalabasan ay tatanggapin nya dahil handa na syang tanggapin na imposibleng magustuhan sya na taong mahal nya.