♡︎♡︎♡︎
6 stories
Seven Days Of Heartbeats  by dimwitlivid
dimwitlivid
  • WpView
    Reads 2,184,464
  • WpVote
    Votes 65,949
  • WpPart
    Parts 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only one he had. Ngunit nagbago na lang siya nang malaman niyang ang ama ng nobya at ang pumatay sa nakababata niyang kapatid ay iisa. Ngayon ay wala siyang ibang nasa isip kung hindi ang ibalik sa kanila ang sakit na naranasan niya. He started hurting her emotionally. Unexpectedly, he fell in love with Mildred, the girl he saved from an almost hit-in-run incident. Muli niyang naramdaman ang sayang matagal na niyang hindi nararamdaman. At last, napagpasyahan niyang makipaghiwalay kay Lyn. However, Lyn asked him to break up with her after seven days. He immediately agreed. Little did he know, Lyn has only seven days for her heart to beat. HIGHEST RANK REACHED: #1 TRAGEDY/TRAGIC #12 IN ROMANCE
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,643,085
  • WpVote
    Votes 1,337,291
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 34,070,200
  • WpVote
    Votes 838,509
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,104,371
  • WpVote
    Votes 187,784
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018