WHEN I MET THIS MAN
IamClaraStella
- LECTURAS 86
- Votos 15
- Partes 11
Lahat tayo ay mayroong karapatang umibig o magmahal. Kahit na sino, kahit paulit-ulit, o kahit pa pagkatapos mong umibig at masaktan. Walang sinuman ang makapipigil sa taong nilamon na ng nakalolokong pag-ibig.
Ngunit, may batas nga ba sa tinatawag nilang, "pag-ibig?" Dapat pa nga ba kung sakit lamang ang siyang dulot sa'yo? Dapat pa bang ipagpatuloy kung alam mong wala ka namang pag-asa? O dapat pa bang umibig dahil ito nga ang itinadhana, 'yon nga lang ay napakahirap isipin.
Mahirap, masalimuot, nakalilito at minsa'y nakadudurog ng puso at pag-iisip, 'yan ang dulot ng pag-ibig. Kaya... dapat pa nga ba niyang subukan at pasukin ang mundo kung saan pag-ibig ang siyang kaniyang dapat suungin at harapin?