gril18
Yzethic, lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mga salamangkero na may taglay na pambihirang kakayahan. Bawat isa ay natatangi at nagugulantang ang bawat dayuhan na nagagawi sa kanilang lugar.
Likas ang pagiging ganid sa katangian ng karamihan sa kanila at inaasam pa ang kakayahan ng iba. Ngunit nagkaroon bigla ng digmaan kung saan magsisimula ang lahat dahil sa engkantasyong ginawa ng mga kalaban.
"Sa ngalan ng itim na mahika, magkakapalit-palit ang mga ngalan at abilidad nila. Lahat ng isinilang na tagapagmana ay hahanapin ang totoong kakayahan ng bawat isa."
Sa mundong binabalot ng kasinungalingan, sasabay ka ba? Handa ka bang makipaghalubilo kahit na hindi mo alam kung sino ang nagbabalat-kayo? Nakahanda ka bang tanggapin ang natatanging kakayahan gayong isa pala itong sumpa?
Plagiarism is Crime!