GoddessofKredz1
[Andrew and Kredz story]
Matagal ng mahal na mahal ni Kredz si Andrew simula't sapul ng una niyang masilayan ang gwapong binata na natutulog sa ilalim ng puno sa may field.
Alam niyang imposible siyang mapansin ng binata dahil sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan pero hindi pa din siya tumitigil sa pangangarap na mapunta ang binata sa kanya. Siguradong madaming babae ang nagkakandarapa dito at handang ialay ang katawan para sa binata. Iyong mga babaeng mas higit na maganda at sexy sa kanya ang tipo ng binata.
Halos araw araw niya din nababalitaan ang tungkol sa masamang ugali ng binata pero hindi niya kayang maturn-off dito dahil hulog na hulog na siya sa binata.
Alam niya din na may kakaiba sa binata na lalong nagpamisteryoso dito. Hindi niya mapigilang alamin ang mga lihim na sekreto ng binata.
Hindi niya alintana ang kapahamakang naghihintay sa kanya basta't ang alam niya lang ay ...
Siya si Kredz at mahal niya si Andrew.