marifaye123's Reading List
16 stories
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,551,817
  • WpVote
    Votes 34,895
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Tonight Can Last Forever - Published under PHR by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 34,147
  • WpVote
    Votes 812
  • WpPart
    Parts 12
Falling in love was Faith least priorities. Masyado kasing istrikto ang mga magulang niya. Kaya nang Manalo siya ng trip to Palawan, sinamantala niya na wala sa bansa ang mga magulang at nagpunta siya sa malaparaisong isla. Malay ba niyang mai-inlove siya sa nakilalang guwapo at sikat na college basketball heartthrob- si Troy Escobar. Pero kahit tapos na si Faith ng Medical Technology, hindi pa rin siya puwedeng magka-boyfriend. Gusto kasi ng kanyang mga magulang na tapusin muna niya ang pagdodoktor. Pero hindi man dapat, hinayaan ni Faith ang sariling matangay ng magic ng Palawan. Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ni Troy kahit ilang araw pa lang silang magkakilala. Alam niyang maghihiwalay rin sila sa pagtatapos ng kanyang bakasyon. Hindi nga lang niya inakala na iniwan man niya si Troy, magpapabaon ito ng alaalang babago nang lubos sa buhay niya....
Somewhere Only We Know by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 47,667
  • WpVote
    Votes 1,694
  • WpPart
    Parts 30
He was a campus fuckboy. She was Miss President of Student Council. He was notorious and damned. She was loved and pure. They were two parallel lines, and were never meant to be. But a secret garden emerges in the woods of campus, drawing them closer together. They finally shared a secret worth protecting-a secret bigger than their polarity. As their worlds collide, can the lines finally meet and intersect amidst all odds? Disclaimer: This story is written in Tagalog English.
Sleeping Heart  (Completed: Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 71,778
  • WpVote
    Votes 1,115
  • WpPart
    Parts 10
"Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa." Nakita ni Janicka ang katangin ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito sa kanya. Pero dahil sa pangungulit niya ay naging kaibig-ibig ito. Na-in love sila sa isa't isa. Ngunit may hadlang: kailangan nitong magtungo sa Amerika para mag-aral. Hindi niya sinalungat ang bagay na iyon. Siya pa ang nagtulak dito na umalis - kahit masakit para sa kanya. Pagkalipas ng limang taon, bumalik sa bansa si Jeff. Kahit wala silang communication ay wala raw nagbago sa damdamin nito para sa kanya. Handa na itong ituloy ang pagmamahalan nila. Pero nakatakda na ang kasal niya sa ibang lalaki...
I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 67,041
  • WpVote
    Votes 1,335
  • WpPart
    Parts 11
Unang na-in love si Zia sa boses ni DJ Gino. Taglay nito ang pinakamaganda, masuyo, at baritonong boses na narinig niya sa buong buhay niya. At nang makilala niya ito, hindi niya napigilang tuluyang mahulog ang loob dito. Ngunit may malaking problema - may mahal na itong iba. Nagmamahal ito sa isang babaeng may mahal namang iba. Sa kabila ng lahat, nakipaglapit siya rito. Para siyang gamugamo na patuloy sa paglipad sa paligid ng maliwanag na lampara, sa kabila ng kaalaman niyang baka mapaso siya sa huli. May pag-asa bang masungkit niya ang puso ng lalaking pinakamamahal?
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 169,319
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
The Artist's First Love (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 95,975
  • WpVote
    Votes 1,546
  • WpPart
    Parts 13
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko." Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi makuha ang lupa't bahay nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang high school classmate niyang si Takehiro. Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya ni Takehiro na buntis na girlfriend at ipinakilala sa pamilya para daw hindi na ito papuntahin sa Japan. Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na ... Kaya lang, kung kailang na-in love na si Bridgette kay Takehiro at balak nang totohanin ang relasyon nila, saka naman dumating ang "fiancée" ng binata... at wala siyang kaalam-alam do'n! https://www.facebook.com/The-Nightingale-Trilogy-1502439353329197/ https://www.preciousshop.com.ph/home/ https://preciouspagesebookstore.com.ph/ https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/ https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/
NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 75,377
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 18
"Bale-wala sa akin ang anumang haharapin ko para bumalik ka sa akin. Alam kong mahirap pero hindi ko kayang isuko ka nang basta-basta nang hindi man lang lumalaban." Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang, pinili ni Rakel na manirahan sa lola niya sa San Alfonso. Doon niya nakilala ang isang delinquent student sa kanilang eskuwelahan na walang ibang pinagkaabalahan kundi ang tumugtog ng gitara at kumanta-si MJ. Dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, naging malapit sila sa isa't isa at lubusang nakilala ni Rakel ang binata na walang ibang pangarap kundi ang maging isang singer. Pero dahil sa murang edad, marami ang humadlang sa kanilang pag-iibigan at di-nagtagal ay nagkahiwalay sila ng landas. Sampung taon ang lumipas at may kanya-kanya na silang buhay. Si Rakel, isa nang journalist at malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Wallace. At si MJ, isa nang sikat na vocalist ng isang international rock band. Pero naging mapagbiro ang tadhana dahil muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, haharapin na nila ang anumang hadlang para maituloy ang naudlot na pag-iibigan.
ALL I ASK OF YOU (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 88,937
  • WpVote
    Votes 1,472
  • WpPart
    Parts 11
"I love you like I find myself smiling every time I think of you and your silly antics." Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit kay Kristoff sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli, si Kristoff din ang sumuko. Naging malapit sila at na-in love sa isa't isa. Pero ang katuparan pala ng pangarap ni Chelsea ay pagkasira ng pangarap ni Kristoff na sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya. Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang kay Kristoff sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!
Love Thy Neighbor (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 84,746
  • WpVote
    Votes 1,565
  • WpPart
    Parts 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao. Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban na niya iyon kahit pa nga mukhang walang interes ito sa kanya. Nang malaman pa niya ang totoong katauhan nito ay lalo siyang nawalan ng pag-asang mamahalin din siya nito. Paano naman ang pagsinta niyang inabot nang isang taon? Hanggang isang gabing nalasing siya ay hinalikan siya nito. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?