Phr ❤
27 histórias
Way To Your Heart by Angelene Buena de PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Leituras 215,628
  • WpVote
    Votos 3,457
  • WpPart
    Capítulos 19
"Araw-araw sa paggising ko, ikaw kaagad ang iniisip ko."
Cavalry's Knight (as published by PHR - COMPLETED) de gabreiv17
gabreiv17
  • WpView
    Leituras 135,275
  • WpVote
    Votos 2,145
  • WpPart
    Capítulos 11
Cavri had always been insecure about herself. Pakiramdam niya ay minamaliit siya ng lahat dahil lang hindi siya nagsusuot ng uniporme at pumapasok sa opisina gaya ng mga ka-edad niya. Ang akala niya ay kuntento na siya sa pagtatago sa mundong ginawa niya para sa sarili niya. Pero dumating si Enad-ang guwapo, matikas at simpatikong doktor na nabangga niya sa airport. Ipinakita nito sa kanya na may malaking puwang pa ang mundo sa labas para sa kanya. Ipinaramdam nito sa kanyang hindi siya abnormal gaya ng iniisip ng mga nakapaligid sa kanya. She knew she was falling. Hanggang sa matuklasan niya ang isang bahagi ng nakaraan nito na may malaking kaugnayan sa kanya. Kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan sa likod ng mga ngiti nito?
A Walk Down The Spring Lane de Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Leituras 16,155
  • WpVote
    Votos 396
  • WpPart
    Capítulos 10
Teaser: Sa pangalawang beses na pagtapak ng mga paa ni EM sa South Korea. Walang ibang laman ang kanyang isip kung hindi ang trabaho. Ngunit sa pagdating sa magandang siyudad ng Seoul, dinala siya nito sa isang tao na naging bahagi ng kanyang nakaraan. Si Marcus Yoon, ang miyembro ng sikat na grupong Seven Degrees. Her first love. The man who broke her heart on that one Spring Day. Sa pangalawang pagkakataon, nagulo ang tahimik na buhay ni EM matapos niyang maharap ang binata makalipas ang maraming taon. Akala niya ay okay na siya. Ngunit nang magkita sila nito, bumalik ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan. Lalo siyang nainis kay Marcus ng kausapin siya nito na tila wala itong kasalanan sa kanya. But he always has the way to make her fall for him. Sa naging madalas nilang pagsasama, hindi akalain ni EM na mabubuhay ang pagmamahal niya na minsan niyang naramdaman para kay Marcus. Akala niya ay wala ng katapusan ang saya ng ipahayag ni Marcus ang pagmamahal nito sa kanya. History repeats itself. Again, for the second time, Marcus broke her heart. Dahil bumungad sa kanya ang isang masakit na balita. Marcus is engaged to someone else.
Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete) de nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Leituras 9,252
  • WpVote
    Votos 245
  • WpPart
    Capítulos 13
Life is so wonderful especially when you spend it with the people who truly loves you. SI EENA ang huling babaeng magugustuhan ni Chase. Iyon ang pinaniniwalaan niya at itinatak sa isip. Dahil alam niyang sasakit lang ang ulo niya kapag ito ang pinili ng puso niyang mahalin. Pero mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa isang pangyayaring naglapit sa kanilang dalawa sa isa't-isa. At dahil ayaw niyang maging dahilan ng problema sa kanilang grupo, niyaya niyang lumabas ang dalaga. Kinilala niya ito nang sa ganoon ay mawala ang pagkailang nila sa isa't-isa. Wrong move. Dahil habang nakakasama niya ito at nakikilala nang husto, hindi niya namalayang nagugustuhan na pala niya ito. At sa kalaunan ay nakita na lang niya ang sariling nahuhulog na ang loob sa dalaga. Kaya hindi na niya ito hinayaang makawala at dinamayan ito sa malaking problemang pinagdadaanan pala nito. Pero paano kung may iba itong gusto at mas pinagkakatiwalaan kaysa sa kanya? Hahayaan na lang ba talaga niyang hanggang pagkakaibigan na lang ang mamagitan sa kanila?
Music In My Winter's Heart de Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Leituras 48,119
  • WpVote
    Votos 932
  • WpPart
    Capítulos 13
Angelie was a writer. Was, past-tense. Marami na siyang naisulat na libro. Stories about love which captured every person's heart who read her books. Ngunit ang inspirasiyon na nagbibigay sa kanya ng dahilan para magsulat ay biglang binawi ng langit. She decided to turn her back on writing when her fiancé died. Isang dahilan para tuluyan na niyang kalimutan kung paano ngumiti at kung paano magmahal. Makalipas ang limang taon. Hindi akalain ni Angelie na babalik siya sa pagsusulat, ngunit sa pagkakataon na iyon, bilang isang songwriter. Her fiancé was an aspiring composer. Pangarap nito na sumikat ang kanta na ginawa nito. Ngunit dahil wala na ito, nagdesisyon ang dalaga na siya ang tutupad sa pangarap ng namatay na nobyo. There, she met Jay Lim. Ang leader ng sikat na grupong Seven Degrees. Sa unang pagkikita pa lang nila ay hindi na maganda ang impresiyon niya dito. Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon, si Jay ang napili ng PhilKor Entertainment na kumanta ng song entry niya. Sa mga araw, linggo at buwan na magkasama silang dalawa. Jay found his way through her heart. Until she realized one morning that she's falling deeply in love with Jay. Pakiramdam ni Angelie ay nagtaksil siya sa nasirang nobyo dahil sa pangako niya na ito ang huling lalaking mamahalin niya. Pinigilan niya ang damdamin ngunit sa huli ay hindi siya nagwagi. Kasabay ng pag-amin niya na mahal na niya si Jay, isang katotohanan ang sumabog sa harapan niya. Dahilan upang nagdesisyon itong iwan siya.
Heart Over Mind de ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Leituras 31,075
  • WpVote
    Votos 338
  • WpPart
    Capítulos 5
"Umiikot lang kasi sa kanya ang mundo mo kaya hindi mo napapansin na ang mundo ko, sa 'yo naman umiikot." -- Dahil sa iniwang last will and testament ng Lola Candida ni Rowena Araja, kinailangan niyang magpakasal bago mag-thirty years old, at mabuntis bago siya mag-thirty-one. Nag-volunteer ang ultimate playboy na si Cedric de Rossi para maging asawa niya sa papel at pagkatapos ay magdi-divorce din sila. Nabo-bore na raw kasi ito sa buhay kaya gusto nitong may gawing kakaiba. Ang problema nga lang, ayaw makinig ng puso ni Rowena sa sinasabi ng isip niya. Na-in love pa rin kasi siya kay Cedric kahit alam niyang may expiration date ang kasal nila. She felt so stupid for secretly hoping na mamahalin nito ang isang tulad niyang madalas sabihang nerd, mataray, at itinakdang maging isang matandang dalaga. -- This story was published last 2010 by PHR. This is the manuscript's unedited version.
THE STORY OF US: PATTY AND ANDRES (published under PHR2370)  COMPLETED de jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Leituras 273,119
  • WpVote
    Votos 2,731
  • WpPart
    Capítulos 11
Masugid na nanliligaw si Andres sa kaibigan ni Patty na si Azenith. Maliban sa kanya, botung-boto ang lahat sa binata para sa kanilang kaibigan. Matagal na silang magkakilala ni Andres pero ni hindi siya pansin nito. Bilang ganti, madalas niyang asarin ito. Pikon at suplado kasi si Andres kaya natutuwa si Azenith na kulitin ang binata. Nang mabasted ito, somehow, ikinaligaya niya iyon. Nalaman niya ang dahilan kung bakit... nang halikan siya nito.
Car Wash Boys Series 1: Prince Daryl Rivera de Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Leituras 172,280
  • WpVote
    Votos 2,839
  • WpPart
    Capítulos 11
"Kung sa mata ng buong Pilipinas, anak ako ng Presidente. Sa mga mata mo, gusto kong makita mo ako. Bilang isang simpleng lalaki na nagmamahal sa'yo." Teaser: Jhanine is a simple girl living a simple life. Kuntento na siya sa kung ano man ang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Kung meron siyang nirereklamo sa buhay niya, iyon ay ang pang-aasar sa kanya ni Prince Daryl Rivera. Ang kababata niya at anak ng Senador. Ang simpleng pamumuhay niya ay biglang nagbago ng masangkot sila ni Daryl sa isang eskandalo at malathala ang mukha nila sa diyaryo ng magkalapat ang mga labi. Kaya nang magkita sila, sinalubong niya ito ng isang suntok. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng sa mismong harap niya at ng mga kasamahan niya sa trabaho, ay sinabi nito na in love daw ito sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila. Hindi na yata napigilan ni Jhanine ang sarili na mahalin ang lalaking dati'y mortal niyang kaaway. Isa lang ang tanging gumugulo sa isip niya, kayanin kaya niya na harapin ang klase ng mundo na ginagalawan nito? O mas nanaisin na lang niyang talikuran ito at bumalik sa simpleng buhay na nakasanayan niya?
Maid in Heaven (Published under PHR/Unedited Version)  de celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Leituras 129,941
  • WpVote
    Votos 925
  • WpPart
    Capítulos 4
Published under PHR
Isabella Hope (PUBLISHED UNDER PHR) de AnastasiaKiss007
AnastasiaKiss007
  • WpView
    Leituras 113,338
  • WpVote
    Votos 2,249
  • WpPart
    Capítulos 25
"I want you to be sure when you're ready to accept me in your life. Because once you're mine, wala na akong balak pakawalan ka pa." Naniniwala si Isabella Hope Gomez na kapag may naramdaman siyang spark and magic kagaya ng description ng pagtatagpo ng mga bida sa isang romantic love story sa sino mang lalaking makikilala niya, iyon na ang pag-ibig na itinakda ng kapalaran para sa kanya. But what if fate made its way na maramdaman niya iyon kay Karl Jonathan Montero, ang childhood enemy na hindi niya inaasahang magbabalik sa Pilipinas makalipas ang ilang taon, na kahit para silang aso't pusa noong mga bata pa ay naging secret crush niya? Sa muli nilang pagkikita, naging isang malaking sorpresa kay Hope na muling maramdaman ang itinagong damdamin noon sa kababata. And since it seemed that their feelings were mutual, she chose to give in to what her heart truly desired. Pero paano kung nagkamali si Hope sa paniniwala na sila ni Karl ang nakatakda para sa isat isa after all these years? Lalo na at nagbabalik ang ex-girlfriend ni Karl na nakikiusap na ipaubaya na lang niya ang binata. Kaya bang magparaya ni Hope para sa kaligayahan ng iba at hayaang mawala ang pag-ibig na matagal din niyang hinintay na dumating sa buhay niya? (Unedited Version)