ANTAS NG PANAGINIP
MJ26Elgan
- Reads 36,392
- Votes 504
- Parts 35
Paano kaya ang mabuhay sa sarili mong panaginip?
Mabuhay? Ibig kong sabihin ay literal na mabuhay sa loob ng iyong panaginip.
Ano ang nasa dako paroon? Meron pa bang ibang dimensyon?
Ang akdang ito ay binuo ng inspirasyon mula sa mga ideya na may bahid ng katotohanan at aktwal na mga karanasan, ang ilan naman ay pawang kathang isip lamang.
Kaya mo kayang tukuyin ang mga totoo mula sa malikot na imahinasyon lamang?
Kung naghahanap ka ng libangan, bakit hindi mo subukang lamunin muna ng isang madilim na paglalakbay gamit ang isa sa pinakaligtas na paraan?
Ang ilan sa mga ideya at paniniwala na mababasa rito ay maaring gawang isip lamang. Ang iba naman ay may bahid ng totoong karanasan. Ganun pa man, pinaaalalahanan ng manununulat ang mga mambabasa na ang ilang mga nakasulat dito ay maaring ikagulo ng isipan at ikababago ng pananaw na hindi naman layunin ng akdang ito. Ang akdang ito ay isinulat para lang makapagbigay ng kurokuro, aliw at libangan.
Bukas na pagiisip at imahinasyon ay kailangan.XD
Babala:
MINORS KEEP OUT!
Kung madali kayong mainpluwensiyahan, wala pang sariling beliefs, hindi ito ang istoryang para sa inyo.
-BAWAL SA MAHINA ANG PUSO AT SIKMURA, MAY SAKIT SA PUSO, AT MGA TAONG HINDI MADALING MAKA MOVE ON, BAWAL SA MAY ANXIETY, DEPRESSION... BASTA BAWAL!!! SA MGA TAONG MALIKOT ANG ISIPAN---NAPAKAKULIT NG IMAGINATION... WAG NINYONG TINGNAN ANG PICTURES!!! WAG SABAYAN NG SOUNDS!!!!
AT BAWAL NA BAWAL ANG AKDANG ITO SA MGA TAONG GUSTO O MAY BALAK MAGPAKAMATAY O PUMATAY... KAHIT SLIGHT NA TENDENCY LANG WAG!