Romances
164 stories
Sweetheart 16: My Wayward Wife - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 10,535
  • WpVote
    Votes 168
  • WpPart
    Parts 29
"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you, all you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang matuklasang nakatakdang ilitin ng bangko ang lupain nila na isinanla ng tatang niya bago ito namatay. At iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari. Ang problema ay wala siyang maisip na paraan para mabayaran kahit man lang ang interes ng pagkakasanla. Then Vince Saavedra, the bank CEO, made an offer Gael could hardly refuse. Ibabalik nito sa kanya ang titulo ng lupain niya at ang deed of sale ng iba pa niyang ari-arian pakasalan lamang niya ang anak nito - the stubborn, spoiled, but beautiful Cielo Saavedra. Gael would marry the she-devil herself if it was the only way to get his property back.
Mananatili Kang Akin - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,251
  • WpVote
    Votes 150
  • WpPart
    Parts 11
"Pinakasalan kita dahil iyon lang ang paraan upang mapasaakin ang aking anak. Pero hindi nangangahulugan iyon na pahihintulutan kitang makipagtagpo sa ibang lalaki. Mananatili kang akin, Janis..." Janis swallowed the vile things she wanted to hurl at him. Dalawang buwan pagkatapos nilang ikasal ay umalis si Rolf at nangibang-bansa. Lihim siyang natuwa dahil naingatan ng paglayo nito ang lihim niya. But after three and a half years, he was back. At nakapagtatakang sa kabila ng pagkasuklam niya rito ay hindi niya kayang tanggapin na may ibang babaeng pinag-uukulan ito ng pansin.
El Paraiso - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,418
  • WpVote
    Votes 94
  • WpPart
    Parts 30
Sabi nga nila, kapag totoong mahal mo ang isang tao ay napakahirap bigkasin ang mga katagang "mahal kita" kaysa sa yaong hindi naman totoong nagmamahal na kay daling manulas sa bibig ang "I love you." Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang mga lumang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi man lang niya narinig sa buong buhay niya. While travelling to El Paraiso, she was bewildered by strangers who mistook her for somebody else. Most especially from an arrogant, handsome stranger that unnerved her. Natuklasan niyang ang El Paraiso ay akmang pangalan para sa bayang iyon. The small town was picture-perfect. Muli silang nagtagpo ng aroganteng lalaki na siyang nagmamay-ari ng hotel na tinututuluyan niya. Adrian Olivar was always there in every turn. Subalit paraiso nga ba ang lugar na pinuntahan niya? Paanong unti-unti niyang natuklasang maraming lihim na tinatatago ang munting bayang iyon?
Puso Ang May Sala - Dianne Christine by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,892
  • WpVote
    Votes 55
  • WpPart
    Parts 10
"Because I love you. Mahal kita higit sa anupamang bagay dito sa mundo" " Hindi man katulad ng dati ang pagmamahal na iniuukol ko kay Brian ay mail pa rin ang ginagawa nating ito... dahil may isang Yvette na masasaktan," ani Audrey. "Kung wala bang Yvette sa buhay ko'y papayag ka bang maging akin?" tahasang tanong ni Kent, ang matitiim nitong mga mata ay walang kakurap-kurap na nakatitig sa kanya. Napamaang siya; dapat siyang magalit sa tinuran nito, mamuhi dahil tila isa siyang bagay na puwede nitong kunin kung kailan nito gusto. Subalit iba ang isinisigaw ng puso niya. Naroon ang pakiramdam na may kagalakan pa niyang tatanggapin ang proposition ng guwapong binata-gayong ang ipinunta niya sa rancho na pag-aari ng pamilya nito ay hindi upang alagaan talaga ang ina nito kundi upang lubos na makalayo sa alaala ng isang sawing pag-ibig...
You're Mine, Only Mine - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,461
  • WpVote
    Votes 126
  • WpPart
    Parts 12
"Akin Ka, Roxanne, dahil binili kita mula kay Alfonso ng dalawa at kalahating milyon...!" Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama bago ito namatay sa pagkakautang nito sa mga Moravilla. At pagkalipas ng tatlong taon ay dumating si Alex Moravilla upang singilin ang pagkakautang na iyon. Ang pagpapakasal niya kay Alex ang kabayaran. Hindi siya papaya anuman ang mangyari. Kung katawan niya ang kailangan ni Alex ay ibibigay niya huwag lamang makulong ng habang buhay sa piling nito.
Nang Gabing Manging Akin Ka - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,303
  • WpVote
    Votes 122
  • WpPart
    Parts 11
Dalawang pag-ibig na ang nawala kay Monica dahil hindi niya nais na magkaroon ng pre-marital affairs. At ang huli, si Michael, iniwan siya sa isang resort sa Laguna nang tumanggi siyang makipagtalik dito bago sila makasal. Sa sama ng loob, habag sa sarili, at iglap na rebelyon na tinulungan pa ng dalawang shots ng tequila, ipinagkaloob ni Monica ang sarili sa isang total stranger.
Apoy sa Malamig na Puso - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,294
  • WpVote
    Votes 133
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi kita type. Para kang tuod na hindi mabali ang leeg. I want my woman with a little fire and passion." Si Allie, isang cold and socialite snob. Si Greg, rough at aroganteng farm owner. Hindi nila type ang isat-isa. Pero kailangan ni Allie ng asawa kundi ay mawawala ang banking empire ng pamilya. At si Greg nama'y nangangailangan ng malaking pera. Pera niya kapalit ng pangalan ni Greg. Marriage for convenience sa loob lamang ng anim na buwan. Walang emotional involvement. Pero bakit nagagalit siya kay Karla, ang babaeng sana'y pakakasalan ni Greg?
Eugene's Proposal - Therese Fajardo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,128
  • WpVote
    Votes 42
  • WpPart
    Parts 12
Ang sinabi ni Freddie sa sarili, hinding-hindi niya gagamitin ang kanyang ganda at katawan upang maabot ang mga pangarap niya sa buhay. Ngunit heto siya ngayon sa harapan ni Eugene-isang lalaking may kakayahang magbigay ng lahat ng gusto niya at ambisyon. Pero may kapalit. Gusto nitong maging babae siya nito. Sa sitwasyon niya ngayon, mukhang wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang alok ng binata. If only he would love her back. Ngunit imposibleng mangyari ang huli dahil sa lahat ng katangian na mayroon si Eugene, hindi kasali roon ang kakayahang mag-commit. Lalung-lalo na sa kanya na pumayag sa panandalian at no-strings-attached na relasyon na inalok nito....
Braganza Men 1: Magiting - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,802
  • WpVote
    Votes 128
  • WpPart
    Parts 13
Magiting Braganza-nagtataglay ng maamong mukha, ngunit taliwas iyon sa ugali nito: pilyo, gala at malikot sa babae. Ngunit sa dinami-dami ng involvements niya sa iba't ibang babae, bakit hindi niya makalimutan ang magandang babaeng na-snatch-an na kanyang tinulungan? To think na wala pa yatang isang minutong nakatitigan niya ito. After three years, muli silang nagkita. At sa ikalawang pagkakataon ay itinaya niya ang buhay para dito. But how could he win her kung nakatakda na itong pakasal? Kahit sabihin pang inunahan na niya ang nobyo nito sa pag-angkin sa dalaga!
Braganza Men 2: Malakas - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,446
  • WpVote
    Votes 124
  • WpPart
    Parts 12
Limang taon na ang nakalipas magmula nang magtapos ng high school si Alta May Valencia sa bayan ng Tuguegarao. Limang taon din ang nakalipas mula nang magtanan sila ni Malakas Braganza na natapos sa isang masamang panaginip. At ngayon ay magkakaroon sila ng class reunion. Kinakabahan si Alta. Tiyak na magkikita sila ni Malakas, ang tanging lalaking nakaka-pagpabilis ng tibok ng kanyang puso... Ngunit kaya ba niyang salubungin ang galit sa mga mata nito? Alam niya, labis niya itong nasaktan...