riyanaissance
- Reads 164
- Votes 10
- Parts 14
Si Cristina Ezperanza ay nasa kasalukuyang panahon, siya ay may angking talento pagdating sa musika. Si Cristina ay kilala sa pagbabanda simula pa lamang noong highschool siya. Ngunit lahat ng iyon ay nagbago nang pagkaitan siyang tumugtog ng musika dahil sa mga taong nasa paligid niya. Simula noon ay hindi na muling naging makulay ang buhay niya dahil hindi na siya tumutugtog. Hahayaan niya na lamang sumabay sa karaniwang agos ang kaniyang buhay kaysa ipagpilitan ang kaniyang nais at kagustuhan.
Ngunit sa isang trahedyang kaniyang sinapit, siya ay binigyan ng isang pagkakataong maglakbay ng isang misteryosong lalaki bago siya makabalik sa nakaraan bilang anak ng mangangalakal na si Don Fernando Alvarez ng San Diego. Siya ay mamumuhay bilang si Kristina Alvarez na mahilig din sa musika.
Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang isang musikerong kilala bilang gahaman sa pag-ibig at isunumpa.
Samahan nating mamuhay sa makalumang panahon si Cristina. Tunghayan natin kung paano magbabago ang kaniyang pananaw sa buhay. Kung dapat bang ipagpatuloy niya ang pagmamahal sa musika o hayaan na lamang ang kaniyang mga nais?