ArishaBlissa
- Reads 3,351
- Votes 31
- Parts 2
Kahit broken hearted pa mula sa previous relationship niya si Nefthaline, or Taleng ay kaagad na nalaglag ang panty niya sa isang nakasisilaw sa kinang ng mukha na Destista at ito ay si Doctor Mallox Ignite Hayes.
Mas kuminang ang buhay niya nang ngumiti ito, dahil sa nagliliwanag na mapuputi at pantay na ngipin, katulad niya na pwede ng maging endorser ng toothpaste.
Broken hearted din ang Destista dahil nakipag-divorce ito sa asawa for three years, matapos nitong mahuli na may kalaguyong matandang Senador.
Sabi ni Taleng, "Baka gustu ng old talung?"
Kung pwede lang sana na tinorta o isinahog na lang niya sa sinigang ang talong nito, kaso ay may isa silang problema na kailangang lutasin.
Kailangan nilang maunahan ang Ex-wife nito at ang gurang na kalaguyo na hanapin at hukayin ang puntod ng isang high prolific na tao na siyang sinasabi na namatay sa pambabarang. Nakatanim daw kasi sa bagang nito ang isang microchip na siyang magsisiwalat sa baho ng mga matataas na tao maging ng mga politiko. At isa pa, purong ginto raw ang mga ngipin nito! But forget the gold teeth dahil mas kailangan nila ang microchip sa bagang nito.
Bakit naman kasi nasa bagang?!
Dahil crush niya ang diborsyadong Dentista ay pumayag siya. Pero isa mas nakakagulantang ang kaniyang nalaman patungkol sa lalaking kanilang huhukayin.
Ito pala ang kanyang Ama na siyang hindi niya nakilala dahil sumakabilang bila-este bahay daw sabi ng kanyang Nanay.