DE DRACO SERIES by Kendycaffer
5 stories
Darkness Of Viraheir (De Draco Series #5) by Kendycaffer
Darkness Of Viraheir (De Draco Series #5)
Kendycaffer
  • Reads 6
  • Votes 0
  • Parts 3
Darkness Of Viraheir (De Draco Series: Quintus) ©All Rights Reserved Nasanay sa kadiliman si Viraheir Yutris Monothrone. Sa kadiliman siya nakahahanap ng kapayapaan, ito ang nagsisilbing niyang katuwang para makadama ng katahimikan. Kaya labis siyang nahirapan ng tanggapin niya ang misyon na maging bantay ni Thysorr Elios- isang kilalang aristokrat at isa sa pinakamainam na Legend ng Trianggulo. Batid niyang pinaunlakan niya lang ang misyon upang malaman kung sino ang mga taksil sa konseho, hindi para mapalapit sa pasaway na legend. Paano nanaisin ni Viraheir na manatili pa sa dilim na minsan niya nang naging sandalan kung unti unti ay nasasanay na siya sa liwanag na dala ni Thysorr?
Eyes Of Naztech (De Draco Series #4) by Kendycaffer
Eyes Of Naztech (De Draco Series #4)
Kendycaffer
  • Reads 2
  • Votes 0
  • Parts 3
Eyes Of Naztech (De Draco Series: Quartus) ©All Rights Reserved Kita mismo ng sarililing mga mata ni Naztech Noeus Monothrone ang paghihirap ng ilan sa kanilang nasasakupan. Bilang Prinsepe at De Draco ng kanilang emperyo, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makatulong sa nangangailangan. Isa sa kaniyang mga natulungan ay si Selvina Uremis- isa na ngayong pinakabatang myembro ng Trianggulo ng kanilang palasyo. Nang una ay nais niya lang matulungan si Selvina, ngunit hindi niya inasahan na darating ang oras na ang mahalin din siya nito ay kaniya ring nanaisin.
Curse Of Aelia (De Draco Series #3) by Kendycaffer
Curse Of Aelia (De Draco Series #3)
Kendycaffer
  • Reads 2
  • Votes 0
  • Parts 3
Curse Of Aelia (De Draco Series: Tertius) ©All Rights Reserved Hindi pa ni minsan nasubukan ni Aelia Rhades Monothrone ang mag mahal. Sapagkat nais niya na ang masuwerteng ginoong mamahalin niya ay ang una't huling taong kaniyang iibigin. Kaya't ipinangako niya sa kaniyang sarili na kapag dumating ang oras na iyon, gagawin niya ang lahat upang mahalin din siya nito. Ngunit hindi niya batid na ganoon pala kasakit ang magmahal. Lalo pa kung ang taong mahal mo ay nakatakda ng ikasal sa iba. Dahil sa pagtanggi ni Exarus Avian Scarion sa pagmamahal niya, isinumpa niya ito na darating ang oras na muling magtatagpo ang kanilang landas, at kapag dumating ang panahong iyon ay sinisiguro niyang mapapasakamay niya na ito.
Heart Of Phoebus (De Draco Series #2) by Kendycaffer
Heart Of Phoebus (De Draco Series #2)
Kendycaffer
  • Reads 10
  • Votes 0
  • Parts 3
Heart Of Phoebus (De Draco Series: Secundus) ©All Rights Reserved Bilang Emperador ng Emperyo ng Luxximus, ginagawa ni Phoebus Therasil Monothrone ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapangalagaan at maayos na mapamunuan ang kaniyang nasasakupan. Katuwang ang kaniyang sekretarya na si Qrisarine "Sari" Dazraura, hindi siya nahihirapan sa kaniyang mga gawain bilang pinuno at mabilis niya itong natatapos. Nais ni Phoebus na maging propesyunal sa pagtugon sa kaniyang mga tungkulin, ngunit hindi niya alam kung paano iyon pananatilihin sa tuwing kaharap niya ang kaniyang sekretarya. Hindi niya mabatid kung paanong tututulan ang kaniyang puso na tumibok para dito. Sapagkat kahit anong agap ni Phoebus sa kaniyang nararamdaman, batid niyang huli na ang lahat para pigilan pa ito.
Guard Of Xanteria (De Draco Series #1) by Kendycaffer
Guard Of Xanteria (De Draco Series #1)
Kendycaffer
  • Reads 101
  • Votes 11
  • Parts 12
Guard Of Xanteria (De Draco Series: Primis) ©All Rights Reserved Hindi madali para kay Xanteria Ravses Monothrone ang pagkontrol sa kaniyang kakayahan. Bilang De Draco, tungkulin niyang pangalagaan ang buong emperyo sa abot ng kaniyang makakaya gamit ang kaniyang Emperium. Ngunit takot siyang gamitin ito, sapagkat batid niyang sa oras na gamitin niya ang kaniyang Emperium ay may posibilidad na kainin siya ng sarili nitong lakas. Upang mapangalagaan siya, alinsunod na rin sa utos ng kaniyang inang Emperatris, nagpakasal si Xanteria sa heneral ng kanilang bayan na si Estus Temogan Scarion- ang ginoong siyang ring nagsisilbing kaniyang guwardiya. Ngunit hindi lubos inakala ni Xanteria na bukod sa pagkabuhay ng kakaibang damdamin sa kaniyang kalooban, kaakibat rin ng pagpapakasal sa Heneral ang pagkatuklas niya sa nakaraang matagal nang nakaukit sa kanilang kaluluwa.