MACARUBZ
Ps: This story is just a work of my imagination. No real place, incidents, and characters.
Tauhang bilog o tauhang lapad? Gamit ang natatanging pormula na sya lang mismo ang may akda, isinakatuparan ang madugong plano na bubuhos hanggang sa pinakahuling dako ng ugat.
Ito ay isang kwento ng mamamatay taong gustong ibunyag sa mundo ang katarungan na nagkukubli sa likod ng lideratong maskara. Siya si Angelito, maituturing na anghel dahil sa inosente at maamong mukha, may kamay na halaw sa malinis na galaw at pinaglihi sa puting tela na karugtong ay pula. Ang lahat ng kanyang nasasakupan ay nakatadhanang mamatay sa kanya mismong kamay, hindi mabilang humigit kumulang sa numero ng kanyang pangalan. Lahat ng nabibilang na sektor sa kanilang lugar, uubusin at papatayin kalakip ang katagang "Makakamtan mo ang katarungan, ako si Angelito". Ang lahat ng ito'y pinagbuklod lamang ng isang tao, datapuwat katumbas nito ay mahigit sa pitong bilyong bilanggo.
Ngunit ang nag-iisang tanong na bumabalot sa buong daloy ng istorya, ANONG MOTIBO NIYA SA PAGPATAY?
Hinamak ang lahat ng rason at kanyang binigyan ng hinuha ang kalalabasan ng kasamaan. Tuturuan nya ang mga tao na buksan ang mata di para makakita kundi para makadama. Siya si Angelito, ang babago sa perspektibo mo tungkol sa katarungan.
Pagtimbangin kung alin ang mas matimbang, BUHAY o KAMATAYAN?