Mangyanara
- Reads 1,690
- Votes 144
- Parts 58
Hindi kailanman naisip ng dalagang si Axine Alonzo na darating ang araw na dudurog sa kanyang puso-ang araw na ipagpapalit siya sa ibang babae ng lalaking minahal niya nang buong-buo. Sa mismong araw pa ng kanyang kaarawan nang mangyari iyon-isang araw na dapat sana'y puno ng saya, tawanan, at pagmamahal, ngunit napalitan ng mga luhang hindi niya mapigilan at sakit na tila sumira sa kanyang pagkatao.
Sa bawat pagpatak ng luha, unti-unti ring nawalan ng kulay ang mundo ni Axine. Ngunit hindi niya alam, sa likod ng kanyang pagdurusa ay may isang pusong matagal nang naghihintay-si Bryle Asuncion.
Isang buwan matapos ang mapait na pangyayari, naglakas-loob si Bryle na ipagtapat ang matagal na niyang itinatagong damdamin. Siya ang lalaking tahimik na nagmamasid, ang pusong laging gumugulo sa isip ni Axine-hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa mga damdaming pilit niyang inuunawa noon.
Hindi naging mahirap para kay Bryle ang ligawan si Axine. Sa paglipas ng mga araw, sa bawat pag-aalaga at pagmamahal na kanyang ipinakita, unti-unting muling natutong magmahal ang sugatang puso ng dalaga. Hanggang sa hindi na niya namalayan-nahulog na rin pala siya.
At doon nagsimula ang isang bagong kwento-isang pag-ibig na isinilang mula sa sakit, ngunit piniling manatili sa pag-asa.