ImaginationNiAte
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.
Pagbilang ko ng sampu, nahulog na ang puso ko sa 'yo.
Isa, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
Dalawa, nababaliw ako kapag nariyan ka sa tabi ko.
Tatlo, natatakot akong malaman mo ang totoo.
Apat, ano ba'ng dapat kong gawin upang mapansin mo rin ang puso kong sinisigaw ang pangalan mo?
Lima, dapat ko na ba'ng tanggapin na hanggang kaibigan mo lang ako?
Anim, pangalan niya ang binabanggit ng labi mo.
Pito, masyado naman yatang masakit ang pinasok kong laro.
Walo, paubos na ang natitira kong oras sa mundong ito.
Siyam, hahakbang na ba ako palayo sa 'yo?
Sampu, itatago ko na lang ba ang lahat ng ito?