JeromeBonbonPlacito's Reading List
3 stories
The Demaurys by Maasim2
Maasim2
  • WpView
    Reads 11,578
  • WpVote
    Votes 186
  • WpPart
    Parts 13
anak ama at mga kapatid mystery-thriller [M2M]
The Daddy Next Door (Next Door Series #3) by jvxrodriguez
jvxrodriguez
  • WpView
    Reads 70,645
  • WpVote
    Votes 2,136
  • WpPart
    Parts 12
Matapos palayasin si Janus sa kanilang tahanan, nagsimula ang panibagong yugto ng kaniyang buhay. Sa wakas, malaya na siya sa kamay ng kaniyang amang hindi tanggap ang tunay niyang pagkatao. Ang problema, mayroon lamang siyang isang buwan para makahanap ng trabaho at suportahan ang sarili. Kung hindi, palalayasin siya sa inuupahan niyang apartment at tiyak na pupulutin sa kalye. Sa hindi inaasahan, nasa tabi niya lang pala ang kaniyang hinahanap. Nangangailangan kasi ng katulong ang biyudo at brusko niyang kapitbahay na si Roman, dahil mayroon itong limang taong gulang na anak na kailangang bantayan habang ito ay nasa trabaho. Walang pag-aatubili niyang tinanggap ang papel na ito kahit wala siyang karanasan dito. Isang buwan lang naman, sabi niya. Pero kinalaunan, parang gusto na niyang magtagal kasama ang mag-ama sa iisang bubong. Mapunan kaya ni Janus ang pananabik ng anak ni Roman sa yumao nitong ina? Higit sa lahat, ang mga pangangailangan ni Roman sa kama? O sila ba ang pupuno sa naiwang puwang sa puso niya?
Paulita, Ang Baklang Puta by Gieffer_DelaCruz
Gieffer_DelaCruz
  • WpView
    Reads 98,546
  • WpVote
    Votes 1,092
  • WpPart
    Parts 27
Si Paulo, o tawagin natin sa pangalang Paulita, ay isang bakla. Mahahalata mo agad ang kasarian nito dahil sa kanyang kilos na mahinhin at malumanay. Pagdating naman sa pananamit ay mas gusto nitong magsuot ng damit panlalake dahil hindi siya kumportable sa mga pambabaeng kasuotan. Bata pa lang si Paulo ay alam na niyang bakla siya, pero dahil sa higpit ng kanyang mga magulang ay itinago niya ang kanyang tunay na kulay at hindi ito pinahalata kahit kanino. Buti na lamang ay noong nagkatrabaho ay pinayagan siya ng kanyang mga magulang na bumukod, kaya naman para siyang agila na naging malaya sa kung sino siya at kung ano ang gusto niyang gawin. Responsable at mabait si Paulo, ngunit may isa siyang kahinaan na hindi niya mapigilan, ang pagkahumaling sa mga matandang lalake. At tila naman narinig ng tadhana ang kanyang kahilingan dahil ang kanyang pantasya ay unti unting natutupad. Yun nga lang. Yun nga lang ay ginawa siyang isang PUTA.