BINUKOT
6 stories
Ang Baing Alay by melodiyuh
melodiyuh
  • WpView
    Reads 17,370
  • WpVote
    Votes 897
  • WpPart
    Parts 39
Pinanganak bilang isang bai ngunit ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan ay kaniyang ikinubli sa pagkatao ng isang ato. Siya ay walang iba kundi si Hiraya Manawari, binukot na mayroong kakambal na tagna. Sa pagsilang ni Hiraya, isang tagna ang nahinuha ng mga babaylan. Tagna kung saan si Hiraya ang sinabing kauna-unahang bai sa kasaysayan na magiging pinakang makapangyarihan. Ang kaniyang iloy na si Arsenal ay isang oripun na mula sa banwa ng Maharlika, habang ang kanyang baba na si Marasanig ay isang tumao na mula naman sa banwa ng Agato. Mapayapa at naging masagana ang kanilang pamumuhay sa Agato ngunit dumating ang araw na mapapaslang ang kanilang Rajah at si Marasanig ang ituturong salarin at taksil. Upang mailigtas ang kanyang magsing-iloy mula sa banta ng mga mandirigma ng Agato, itinaboy ni Marasanig sina Arsenal kasama si Hiraya pabalik sa Maharlika. Subalit sa pagtuntong ng magsing-iloy sa banwang iyon, binihisan ni Arsenal ang anak na bai ng mga kasuotang pang ato upang mailigtas si Hiraya sa ritwal ng pag-aalay. Isang nakasanayang paniniwala at seremonya kung saan ang banwa ng Maharlika ay kailangang mag-alay ng isang bai sa kanilang tagapag-andukhá kalapit ang kaligtasan at katahimikan ng buong puod. Subalit dala ng pagkasabik ni Hiraya na mamuhay bilang bai, palihim siyang lumalabas na nakabestida. At ang kasabikang iyon ang naging dahilan upang mawalan ng saysay ang kaniyang pagkukubli.
Babaylan by purpleyhan
purpleyhan
  • WpView
    Reads 1,577,936
  • WpVote
    Votes 85,125
  • WpPart
    Parts 48
Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaasang pagkakataon ay napunta siya sa panahong hindi puspusang naibahagi o naitala sa mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, at nakilala ang isang tanyag na ngalan sa mga alamat -- si Prinsesa Urduja. Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili bilang punong babaylan ng nayong pinamumunuan ng prinsesa. At sa kanilang mga kamay nakasalalay ang muling paghahabi ng kasaysayang minsan nang nakalimutan.
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 155,550
  • WpVote
    Votes 7,714
  • WpPart
    Parts 69
Isang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong alamat na madalas gamitin ng mga magulang upang takutin ang mga anak nila para matulog o umuwi ng maaga sa gabi. Oo nga naman. Sino nga ba ang naniniwala sa alamat? Lalo na sa alamat ng nilalang na 'yon? Walang sinuman ang may taglay ng ganoong kapangyarihan at kaalaman. Walang sinuman ang nabahala... Walang sinuman ang naniwala... Iyon ang kanilang pagkakamali. ------------------------------------------------------------------------------------------ P.S. Ikalawang libro po ito ng Arentis. Mas mabuti po kung uunahin n'yong mababasa 'yung book [1] bago ito para hindi po kayo malito :) ------------------------------------------------------------------------------------------ Arentis II - Tribong Uruha M.K. Brugada / kembing ©2015-2016 All Rights Reserved
HALEYA:The Rajah's Daughter  by JHeiress
JHeiress
  • WpView
    Reads 171,070
  • WpVote
    Votes 972
  • WpPart
    Parts 5
Sa pamamagitan ng isang mahiwagang past-life regression ay hindi sinasadyang makabalik ng literal si Shai Mendoza sa kanyang past life bilang si Haleya. Si Haleya ay isang binukot na anak ng isang makapangyarihang Raha. Makabalik pa kaya si Shai sa kanyang tunay na buhay at kasalukuyang panahon sa 21st century? O mananatili na lamang siya sa kanyang nakaraang buhay at panahon sa 15th century kung saan nakatagpo siya ng wagas na pag-ibig. "HALEYA: The Rajah's Daughter" Written by: JHeiress Genre: Historical fiction AVAILABLE ON DREAME/YUGTO (complete chapters) Rank achieved: #1 in historical fiction 5/20/20 and 9/07/20 #1 in fantasy 6/24/20
Binukot: The Native Princess ✓ by desiderattaaa
desiderattaaa
  • WpView
    Reads 12,492
  • WpVote
    Votes 666
  • WpPart
    Parts 26
Si Farrah ay isang binukot (native princess) na hinirang ng isang araw ay naligaw sya sa isang kagubatan at pinili syang gawing prinsesa ng mga tao dito dahil na din sa natatangi nitong kagandahan sa edad na 5 taon. Pagkatapos nun ay sinanay sya at tinawag na prinsesa Sulaya. Hindi lingid sa kaalaman ng nayon Wattak na si Sulaya ay may kakambal na nagngangalang Farreit. Makalipas ang 12 taon sa ika-18 kaarawan nila ay hinanap ito ni Farreit at swerte syang naaalala pa sya nito. Ngunit hindi niya alam na si Sulaya ay may karamdaman na ayaw nitong ipaalam sa nasasakupan. Dahil kapag nalaman nila ito ay ipapapatay ang lahat ng mga naging alipin niya, maging mga personal na tagapagtanggol at isasama sa hukay niya kapag siya ay namatay. Nang mamatay siya ay ibinilin niya kay Farreit na huwag pababayaan ang Wattak at ilihim ang pagkamatay niya hanggang sa ika-25 niyang kaarawan na maaari nang palitan ang binukot. Kasama si Hayun na kasintahan ng walang alam na si Rihiya ay dinala nila ito sa siyudad at ipinaalam sa mga magulang niya ang nangyari at inilibing ito. Sa kasalukuyan ay siyang ang namumuno sa Wattak at maigi niyang pinag-aralan ang mga epiko maging si Rihiya na tanging nakakakita sa binukot ay hindi naipagtanto na hindi na sya ang tunay na prinsesa Sulaya. Ngunit ayaw niya na makulong habambuhay sa tagong kagubatan kasama ang mga taong may malalalim na paniniwala sa kanya at sa kanilang kultura. Sinunggaban niya ang pagkakataon nang may Tagalabas na napadako duon at pinakasalan niya ito. Nagkaroon sya ng dahilan para makapunta muli sa Manila at ipagpakunwari si Rihiya bilang siya. Ngunit hanggang kailan ang pagkukunwari? Maging ang nararamdaman niya ba ay magiging huwad na din? O magkakatotoo at siya pala itong niloloko? ~~~~~~~~~~~ --under editing--
Ang Huling Binukot (The Last Princess) by AnakniRizal
AnakniRizal
  • WpView
    Reads 2,287,210
  • WpVote
    Votes 145,233
  • WpPart
    Parts 86
Raised on her grandmother's mythic tales, brave teenager Arki is stunned when those very monsters come to life and kidnap her best friend Yumi. To rescue Yumi, Arki and her friends venture into the mystical world of Ibayo. Alongside her is Rahinel, a classmate who is secretly an immortal prince on a quest to find the true Binukot. Together, they face the ultimate challenge: defeating Sitan, the Lord of the Underworld, rescuing Yumi, and finding their way back home. ***** ANG HULING BINUKOT Genre: Fantasy, Adventure sa panulat ni AnakniRizal