Engkantuhin
Ang unang naalala ni Edgar ay ang lamig ng mga mata ng babaeng nakatingin sa kanya. Akala niya namatay siya. Hindi, siguradong namatay na siya. Walang makaliligtas kung ang isang buong kamay ang bumaon sa iyong dibdib, tama? Kung ganoon, bakit nasa ospital siya na parang walang nangyari?