maricardizonwrites
30 stories
CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 162,614
  • WpVote
    Votes 4,551
  • WpPart
    Parts 20
Noon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng kaibigang si Ailyn sa isang malayong isla kasama si Jeremy, gumana kaagad ang utak niya. Nagdesisyon siyang paibigin ang binata sa pamamagitan ng isang planadong pagkaka-stranded sa isang isla na silang dalawa lang. Mukhang effective ang plano kasi habang stranded sila ilang beses siya hinalikan ni Jeremy. Dama ni Winnie, in love na rin sa kaniya ang binata. Until he learned about her plot. Sa halip na love, naging hate ang nararamdaman ni Jeremy sa kaniya. And Winnie was left with a broken heart.
CHAINED UP (R-18) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 4,089,777
  • WpVote
    Votes 81,298
  • WpPart
    Parts 57
"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko rito. Out na po sa mga bookstore ang book version na mas maayos at mas maraming scenes. sana po ma-enjoy niyo ang story at makakuha ng book copy kapag nakita niyo sa bookstore. for inquiries, you can check the links sa profile ko. :)
SAVING GRACE (R-18) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,220,353
  • WpVote
    Votes 24,256
  • WpPart
    Parts 23
For the men Grace Zapata sleeps with, she's a woman without a name. Convenient 'yon para sa trabaho niya kung saan may dalawa lang siyang rules na mahigpit na sinusunod. First rule: No mouth to mouth kissing. Second rule: Never meet a man more than twice. Pareho niyang nalabag ang rules na 'yon nang makilala niya si Martin Salgado. Iba siya sa lahat ng lalaking nakilala niya. Binili nito si Grace para sa isang gabi pero walang nangyari sa kanila. Nag-usap lang sila at natulog na magkayakap. Pero ginulo ng encounter na 'yon ang normal na buhay niya. Nang magkita uli sila narealize nila na hindi nila kaya iresist ang isa't isa. So they stopped resisting. Sobrang compatible sila, hindi lang sa kama kung hindi sa marami pang bagay. Nasasabi nila sa isa't isa ang mga bagay na hindi nila magawang aminin sa iba. Nahuhulog ang loob ni Grace sa binata at ikinatatakot niya 'yon. She's a damaged good, a fallen woman who has a very dark secret. Besides, Martin is a broken man and though his body is hers, his heart already belongs to someone else.
Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,768,871
  • WpVote
    Votes 47,989
  • WpPart
    Parts 73
Maki Frias had always been a mystery. Hindi lang para sa mga residente ng Bachelor's Pad kundi para din sa kanyang sarili. Hindi niya alam ang kanyang pinanggalingan. He didn't remember anything about his life before he was five. Dahil doon, para siyang laging naglalakad sa dilim. Growing up without somewhere to belong to could do that to a person. Mabuti na lang at nakilala niya si Allen Magsanoc. Mula pagkabata, ang babae na ang nagsisilbing ilaw ng kanyang buhay. She was his family, his best friend, his superhero, and his only love. Allen was someone he could call his home. Pero noong college sila, nakagawa si Maki ng malaking kasalanan, dahilan kaya nawala kay Allen ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito. Ang masama pa, habang nagdurusa ang dalaga, kinailangan ni Maki na mawala nang hindi nagpapaalam. Years later, muli silang nagkita. Katulad ni Maki, ibang-iba na si Allen kaysa dati. This time, he wanted her to be a permanent part of his life. Ang problema, galit na galit sa kanya si Allen at wala itong balak na magpatawad.
TIBC 6 - THE UNTAMED CUPID by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 79,975
  • WpVote
    Votes 3,661
  • WpPart
    Parts 13
Pasaway na anak si Janis. Panay sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa kanyang mga magulang. Tuloy ay palagi siyang naikokompara sa kapatid niyang ang tingin ng lahat ay anghel sa kabaitan. Dahil doon ay naisip niyang kunin ang atensiyon ni Yuuji, ang lalaking iniibig ng kapatid niya. Nagtagumpay naman siya at naging nobyo niya ito. Yuuji was fun to be with. Ipinadama rin nito sa kanya na espesyal siya, isang bagay na hindi niya naramdaman sa kahit kaninong miyembro ng pamilya niya. Kaya nang lumaon ay nag-iba na ang tingin niya rito. Hindi na niya ginagamit ito upang inisin lang ang kapatid niya dahil iniibig na rin niya ito-for real. Ngunit nalaman niyang ito pala ay may rason din kung bakit nakipaglapit sa kanya, at iyon ay dahil sa awa...
TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 85,505
  • WpVote
    Votes 4,011
  • WpPart
    Parts 12
Para kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya sa kagaya nito pero iyon ang nangyari. Kahit hindi pa niya lubos na kilala ito ay sumugal siya sa pag-ibig nito. At sa piling nito ay naramdaman niya ang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naranasan kahit kailan. Isang araw ay nagpaalam ito sa kanya at nag-iwan ng isang pangako na babalikan siya. She held on to that promise. Sadly, he never came back.
TIBC BOOK 4 - THE LONE WOLF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 81,882
  • WpVote
    Votes 3,855
  • WpPart
    Parts 11
The moment Carrie saw Martin, she knew she was in love. Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon na hindi niya kayang gawin. Kaya kahit magalit pa ito, lumalapit pa rin siya rito. Aalamin niya ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya. Ngunit nang malaman niya ang dahilan, pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Paano ay nalaman niyang mahal pa rin pala nito ang dating kasintahan nitong namatay sa isang accident. Kaya ba niyang makipagkompetensiya sa alaala ng isang patay na nagkataong mahal pa rin nito?
TIBC BOOK 3 - THE HEART THIEF by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 88,016
  • WpVote
    Votes 3,897
  • WpPart
    Parts 10
Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years ago, pero sinaktan lang siya nito sa pagsasabing kailanman ay wala itong sineryosong babae sa buhay nito. May expiry date daw ang pakikipagrelasyon nito sa isang babae, at isa lamang siya sa mga babaeng wala itong balak na seryosuhin. At ngayon ay nagbalik ito sa buhay niya at sinabing "I'll definitely win you back." Ninakaw na nito dati ang kanyang puso, hahayaan ba niyang nakawin uli nito iyon sa ikalawang pagkakataon? Ang sabi ng isip niya ay "hindi," pero kabaligtaran niyon ang sinasabi ng kanyang puso...
Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,450,524
  • WpVote
    Votes 32,950
  • WpPart
    Parts 48
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka." Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili. But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang. Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore. Doon ay nakilala niya si Ryan Decena. Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa. Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay. Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them. Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,548,701
  • WpVote
    Votes 34,641
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?