MissLiyaaah
"Hay, kailan kaya?" bulong ni Aofe sa sarili niya nang biglang may maramdaman siya na may parang tumulak sa kaniya ng bahagya upang maging dahilan na mawalan siya ng balanse. Buti na lamang ay agad niyang nahawakan ang kamay nung lalaking nakita niya na pinapaniwalaan niyang ang tumulak rin sa kaniya.
Napapikit nang mariin si Aofe, naghalo na rin kasi ang takot at sakit ng katawan sa kaniya. Nagtataka rin siya kung bakit hindi siya binibitawan ng lalaking ito kung siya rin naman ang tumulak sa kaniya.
"Sabihin mo lang kung bibitawan na kita, isang sagot lang mahal mo pa ba ang buhay mo?" nagulat na lamang si Aofe ng biglang magsalita ang lalaki sa kaniyang harapan.
"Siraulo yata itong lalaking ito."