bluishlane
- Reads 170
- Votes 37
- Parts 12
Ordinaryo lang naman akong babae.
Highschooler lang ako pero kilalang taekwando prodigy, judo prodigy, aikido prodigy, at marami pang prodigy.
In short, martial arts master daw ako.
Kasalanan 'yan ng papa ko na dinala ako sa lahat ng martial arts center simula nung uhugin pa lang ako.
Helpful naman ang mga natutuhan ko dahil nareresbakan ko ang mga umaapi sa mga kapatid ko.
Lintik lang ang walang ganti, noh.
Kaso dahil sa dami kong pinatumba ay naging famous yata ako.
Gangster.
Yan ang tawag nila sa'kin.
Ako daw ang hari ng mga gangster.
Kung sino man nagpakalat niyan, kukurutin ko sa singit. Hindi man lang ginawang reyna ng mga gangster?!
Hindi ako tomboy noh, I'm a straight barbie girl!
At di pa d'yan nagtatapos ang kwento ko.
One day, isang araw, may sumulpot na isang nilalang na nagpakilalang fiance ko daw siya.
At another one day, isang araw, may nanghu-hunting sa akin. Revenge match daw ang nais.
At etcetera.
Marami pang kalokohang nangyari na nagpabaligtad sa buhay kong puno ng pakikibagbasag-ulo.
Abangan mo na lang sa mga susunod na pahina. Asahan ang kalokohan, suntukan, kalandian (hindi ako 'yan), at tawanan.
Enjoy!