Love Links
6 stories
Love Links 6: A Beautiful Liar [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 42,720
  • WpVote
    Votes 1,459
  • WpPart
    Parts 22
Magmula pagkabata ay ipinamulat na kina Matilda at Kent ng kanilang mga magulang na sila ang magpapakasal balang-araw. Ngunit dahil hindi sila naging malapit sa isa't-isa ay pareho nila iyong tinutulan. But their parents were so persistent. Kaya naman nang mag-highschool sila ay pinagplanuhan nila ang gagawin para hindi na sila ipilit sa isa't-isa ng parents nila. "Sabihin mo sa mga magulang mo na isa kang homosexual," suhestiyon niya sa lalaki. "Gusto mo bang atakihin sa puso ang Dad ko?" "Then impregnate another girl." "Gusto mo bang masira ang kinabukasan ko?" "Then you need to run away from home." "Bakit hindi kaya ikaw ang lumayas sa inyo?" "Sige na! Ako na ang magiging homosexual!" pagsuko niya. "Nice one." Nang muli silang magkita pagkalipas ng ilang taon ay hindi na sila inirereto pa ng kanilang mga magulang sa isa't-isa. Kent had a girlfriend. And Matilda? Bakit kung kailan nawala ang lalaki sa kanya ay doon niya napagtanto na hindi niya kayang mawala si Kent sa buhay niya? Selos ang naging dahilan ng lahat. Noon at ngayon.
Love Links 5: Pathetique Encounter [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 50,601
  • WpVote
    Votes 2,867
  • WpPart
    Parts 42
Gale had her own reason on why she's trying to pursue classical music. She even studied abroad for it. Nang mag-aral siya sa Paris ay kasama niyang iniwan sa Amerika ang ginhawa ng buhay na tinatamasa. Sa bansang 'yon, nakilala niya si Shinji Narumi. Isang malamig at pagkasungit-sungit na negosyante. Pero may rason kung bakit ito ganoon ka-bitter. He was trying to get his one-sided old love. Sa kabila ng mga negatibong katangiang nakita dito ni Gale, hindi niya maiwasang mahulog sa binata at sa musika nito. Shin taught her a lot of things on playing the violin. Natuto siyang maging matapang at tumugtog sa harap ng maraming tao. Kasabay no'n ay natutunan niya ring ibigin ang lahat-lahat dito. Subalit nang magtatapat na siya ng damdamin niya kay Shin, saka naman niya nasaksihan ang pagpo-propose nito ng kasal sa dati nitong nobya. Gumuho ang mundo ni Gale. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong ipaalam ang nararamdaman niya sa lalaki. Nilisan niya ang Paris para takasan ang sakit ng kanyang pagkabigo. Pero sinong mag-aakala na muling magtatagpo ang landas nila ni Shin sa pagbabalik niya ng Pilipinas? Ngunit hindi na siya ang dating Gale na boyish sa paningin nito. She retained the position of being a princess in her family. Ang tanong-makilala kaya siya nito? At sa pagkakataong 'yon-makakaya niya bang baguhin ang nararamdaman nito?
Love Links 4: My Clumsy Princess [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 43,068
  • WpVote
    Votes 2,260
  • WpPart
    Parts 25
Brian really loved his independent life. He got his own condo. He had a car and a decent job on his very own architectural firm. May pagka-workaholic siya subalit hilig din niya tulad ng isang tipikal na lalaki ang gumimik every Saturday night. He was the life of the party with his friends and girlfriends. Siya na isang binatang sinusulit ang araw sa trabaho at nagpapakasaya ng walang humpay sa gabi. He was free and full of life until some acquaintance of him knocked on his door. Okay lang sana sa kanyang gamabalain nito ang tulog niya sa katirikan ng madaling-araw. Subalit ang magsabit ito ng isang teenager para iwanan pansamantala sa pangangalaga niya ay hindi okay! His friend and his savior Hadji left his only daughter Jessa in his care. Jessa was an eighteen-year-old girl na itinuturing na prinsesa ng isang tribu sa Mountain province. Ang problema ni Brian ay mas makaluma pa ang babae sa lola niyang bagets pang manamit. Subalit paano kung matagpuan ni Brian ang sariling naaakit sa Santang mukha ng babaeng tagabundok?
Love Links 3: From My Arranged Marriage to My Bogus Wedding [COMPLETED] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 76,311
  • WpVote
    Votes 2,849
  • WpPart
    Parts 20
Alyssa Montenegro was a timid rich girl who supposed to marry a man chosen by her parents. Isang areglong kasalang magliligtas sa ari-arian ng kanyang pamilya. Subalit sa araw mismo ng kasal niya ay nahanap niya sa sarili ang lakas ng loob upang magkaroon ng sariling desisyon. She escaped her very own wedding running desperately on her wedding dress. Nathan del fiero, isang elite businessman na nakatakdang ikasal sa pinakamamahal niyang nobyang si Bianca. But his girlfriend ditched him on their wedding day. Two souls met on the very same time. One was wounded. The other was desperate. Isang tumakas at isang tinakasan ang nagkatagpo ng landas. Nagkasundo ang dalawang magpakasal. But the wedding itself would be bogus. Para kay Alyssa, ay upang matutulungan niya ang mga magulang niya nang hindi sinasakripisyo ang sarili niya. And for Nate, it was to save his family's reputation. Saan hahantong ang kunwa-kunwariang relasyon sa birong nilikha ng pagkakataon?
Love Links 2: Chasing Drei [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 67,427
  • WpVote
    Votes 2,517
  • WpPart
    Parts 20
Andrei Wallas, isang artistang pinagpapantasyahan ng madlang kababaihan. At hindi naiiba si Melody sa mga babaeng 'yon. Isang weirdong comic writer na handang tawirin ang pitong kontinente, masilayan lamang ang lalaki. Sixteen years old siya nang mag-propose siya ng kasal dito. Ang dahilan ay dahil sa binata niya natagpuan ang inspirasyong makabuo ng mga perpektong karakter sa manga niya. At para siyang battery na nalo-lowbat kapag hindi niya nakikita o nakakasama si Andrei. Ang problema ay pinagtawanan ng lalaki ang proposal niya at ang kaweirduhan niya. She's only some strange brat for him. Pasalamat na lang siya dahil manager nito ang kapatid niya kaya siya nakakalapit sa lalaki. Pero ibang usapan na kung sobrang unreachable na nito dahil sa pagiging celebrity nito. Paano na ang love story nilang kinakatha niya sa isip? And he even saw her as an obsess stalker.
Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 78,501
  • WpVote
    Votes 2,256
  • WpPart
    Parts 20
Parang aso't pusa ang samahan nina Billie at Harris. Kapag nagkikita sila ay lagi na lamang silang nag-aaway. Pareho sila ng pinapasukang unibersidad at pareho din silang may kanya-kanyang pinangangalagaang sports club. Harris is the baseball captain. Isang anak-mayamang egoistic at ubod ng yabang. Billie on the other hand, is the softball captain. She's boyish and frank at isang mortal na kaaway ang tingin niya sa lalaki. Paano kung isang insidente ang maglapit sa kanila? At ang nakataya doon ay ang club nilang dalawa? And Billie couldn't help herself falling in love with her enemy. What would she do when complicated things turned into more complicated situations?