stand alone ུ♡゚
4 stories
Mahal Ko Siya [COMPLETED] by saubereinty
saubereinty
  • WpView
    Reads 1,329
  • WpVote
    Votes 184
  • WpPart
    Parts 20
Harra is just trying to live her college life-messy nights, loud friends, and all the mistakes that come with being young. Then she meets Lawrence, a guy she somehow forgets but ends up meaning more than she ever expected. Their connection feels real and effortless at first, until the truths they've been avoiding finally catch up, changing their love into something heavier and harder to hold. 。゚•┈꒰ა ♡ ໒꒱┈• 。゚ Heidi Arra Raiko Lawrence Adam Hilerio Walang perpekto. Maski ang puso ay nalilito. Pero sa oras na maging sigurado ito, dapat handa ang buong pagkatao mo. Maraming nagagawa ang pagmamahal. Mababaw pa ang mabaliw, maiyak, matawa mag-isa, masamid, masinok, matapilok, at mabulyawan ng konduktor ng bus dahil hindi makausap nang maayos kaka-text. Pero ano ba ang malalim? Kailan ba nasasabing malalim ang pagmamahal? Dapat ba handa kang magbalat ng orange? (Yung totoong balat, 'yung wala ng puti-puti.) Kaya mong kumain ng hipon kahit may allergy ka sa seafoods? Handang magkaroon ng dugo ang mga kamay mo? Kaya mo bang pumatay ng kandila ng iba, kung ang ningas nito ay ang kaisa-isang nagsisilbing pag-asa nila?
Tipikal Na Romansa [COMPLETED] by saubereinty
saubereinty
  • WpView
    Reads 2,443
  • WpVote
    Votes 93
  • WpPart
    Parts 30
Maui and Kai grew up sharing a simple, childlike romance born in the quiet corners of their classroom. What started as innocent affection blossomed as they carried those feelings into adulthood. Blinded by love and the comfort of familiarity, they chose to overlook the mistakes and misunderstandings that once lingered in their past. But time has a way of unearthing what was left unresolved. 。゚•┈꒰ა ♡ ໒꒱┈• 。゚ Maureen Kaye Alonzo Kaiszer Medina Mula sa isang epic na meet-cute, pagiging mortal na magkaaway, mga nakaw na sulyap, at lumipas na sandali, hanggang sa magkamabutihan, at sabihing "in a relationship" na nang walang eksaktong petsa. Tipikal. Tipikal na storya. Tipikal na pag-ibig. Tipikal na romansa. Tipikal? Katulad ng mga pampalasa ni nanay sa kusina-mukha mang iisa, sa katunayan ay iba't-iba ang lasa, hagod, at gayuma nitong dala. Hindi naman siguro magpapakapagod ang pusong pagal sa isang istoryang tipikal? Hindi naman yata maga-aksaya ng panahon ang isip na sisirin ang pinakamalalim na dahilan ng karanasang minsan nang natamasa? At lalo naman sigurong hindi gugustuhin ng kaluluwang humiwalay sa tuwang bitbit ng kwentong maihahalintulad na sa sirang plaka?
Sabi Sa'yo, Tayo [COMPLETED] by saubereinty
saubereinty
  • WpView
    Reads 4,297
  • WpVote
    Votes 259
  • WpPart
    Parts 15
After months apart since graduation, Zekei and Ellejei reunite. He carries hope, she carries doubts-but together, they chase the moments they once thought were lost. As days blur into nights, they hold on to borrowed time, not knowing how fleeting it truly is. 。゚•┈꒰ა ♡ ໒꒱┈• 。゚ Lincei Jhan Jao Zxyler Kalvin Ynrid "Tayo 'yan." Ang palaging sinasabi sa'kin ni Zekei. Ayokong maniwala. Una sa lahat, ang corny. Sunod, manghuhula ba siya? Third, toothbrush muna. Fourth, wala lang. Ayoko lang talaga sigurong tingnan ang hinaharap na siya ang kasama kong abutan ng hamog sa daan habang nakatambay, o di kaya ay kumain ng pastang hindi ako ang nagluto. Ayokong matulad kami sa mga RomCom-na eepal pa ako sa kasal nila ng dapat sana ay magiging asawa niya dahil 'yon ang dumating noong mga panahong wala ako at nasa kasalukuyan siya ng pagmmove on. Ayoko rin naman 'yung mga fiction na magkakaroon siya ng superpowers at tutubuan ng buntot at mahabang tenga, tapos ililigtas niya ako mula sa malaking halimaw na sa dami ng tao sa lugar namin, ako pa talagang sira na ang atay kaiinom ng alak ang pinuntirya. At mas lalong ayoko ng thriller, tipong may kapatid pala ako at lumaki siya sa ibang bansa-uuwi siya ng Pilipinas para ipamukha sa'kin na kahit hindi niya mabigkas nang tuwid ang salitang 'nakakapagpabagabag' ay mas matalino pa'rin siya dahil ingles ang pangunahin niyang lenggwahe, nasaan si Zekei do'n? Nasa bahay ng kapatid ko, kasi kapatid din pala niya 'yon at iisa ang tatay namin. Kainis. Basta. Ayoko ng kahit ano sa mga 'yan.