ReyBenipayo
- LECTURAS 3,008
- Votos 3
- Partes 167
Bahala na kung makasulat man ako
Ng mga likhang literatura na di malilimutan
Na kahit patay na ako ay maaalala mo pa ako
O kahit ilang libong taon na ay maaalala pa
Ng mga susunod na henerasyon
Na pag-aaralan ang mga sinulat ko
Ordinaryong tao lang ako na mahilig magsulat
Libangan lang ang ginagawa ko
At kahit walang bayad ay pinapublish ko ito
Kahit saang website basta mabasa lang
Hindi ko hangad na maging popular
Hindi ko hangad ang yumaman
Hindi ko hangad ang magka-award
O magkaroon ng maraming fans
Ok lang kung di mo magustuhan mo ang sinulat ko
At least na-share ko ang nasa isip ko
- REY BENIPAYO