Elliana_Sten
- Reads 1,099
- Votes 68
- Parts 4
Si Isabela Zobel Olivarez ay ang bunso at unica hija ng kanilang pamilya. Siya ang nag-iisang Prinsesa ng mga Olivarez- ang pang-anim sa pinakamayamang pamilya sa Cavite.
Sa ngalan ng kapangyarihan at negosyo, nagawa siyang ipagkasundo ng kaniyang mga magulang kay Alejandro Fiero Ayala, ang panganay at unico hijo ng pamilya Ayala- pangatlo sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa Cavite.
Napapaligiran man ng mga taong may matataas na tungkulin sa pamahalaan, alam ni Alejandro ang korapsyon na nagmumula sa kaniyang pamilya, kung kaya pinili niyang tumaliwas sa landas na gusto ng kaniyang ama. Nagpumilit siya na tahakin ang landas ng medisina. Bilang kapalit, kinakailangan niyang pakasalan ang babaeng pipiliin sa kaniya ng kaniyang ama.
May karapatan mang tumanggi, ay pumayag din sa kasunduan si Isabela, para sa dalawang bagay... proteksyon at kalayaan.
Pero proteksyon kainino? Kalayaan saan?
Paano mabubuo ang kwento ng dalawang tao na nagsama lamang para sa sarili nilang kagustuhan at pangangailangan? At hanggang saan ang kaya nilang ipalit sa ngalan ng kalayaan?