Pag Lubog ng araw ( On-Going)
MsSherlockHolmes
Naransan nyo nabang mag mahal sa panahong bata pa kayo yong kababata mo pa ang minahal mo,minahal mo ng subra ?
....
Umaasa ako
Na balang araw ako pa din ang iyong tunay na mamahalin.
At tanging ikaw lang ang siyang aking pipiliin.
Ang isa't-isa lang ang bukod-tangi nating iibigin.
Magmula sa umpisa, hanggang sa dulo nawa'y tayo pa rin.
Umaasa ako
Na sa bawat paglubog ng araw ay lagi kang uuwi sa mga yakap ko.
Ang paghigpit ng iyong mga bisig sa'kin ang siyang una't huling paghagkan na mararamdaman ko.
At sa pagtulog nama'y ikaw lang ang huling masusulyapan bago pumikit ang aking mga mata.
At ang mukha mo ang siyang una kong masisilayan sa bawat pagsikat ng araw at pag-gising sa umaga.
Nangangarap rin ako
Na sa kabila man ng ating mga pagkakaiba'y manatili pa rin sa'ting dalawa ang lubos nating pagsinta sa bawat isa.
Na sana'y manatiling pareho pa din ang matamis na pagtingin at pag-iibigan na mayroon tayo sa isa't-isa.
Kahit na alam natin pareho na may mga malalabong bagay tayong nakikita sa ating pagsasama.
Dahil ikaw lang ang aking tanging iniibig at sinisinta.