underscore_oz
- LECTURAS 6
- Votos 3
- Partes 3
ON-GOING
Ang mundong binubuo ng apat na kaharian ang Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran. Na siyang pinamumunuan ng mga Klase Una kung tawagin.
Ang Klase Una ang pinaka-malakas na Klase ng kapangyarihan sa buong Klastera. Ang mga nasa Klase Una ay ang mga may dugong bughaw.
Tinatawag din silang mga Hari't Reyna ng kaharian. Maraming nagnanais na mapabilang sa kanilang hukbo at angkan, ngunit hindi lahat ay nagtatagumpay.
Ang sumunod na lebel ng kapangyarihan ay ang mga ARTEH sila ang pangalawa sa pinaka-malakas na klasipikasyon ng kapangyarihan sa mundo ng Klastera. May mga iilang Prinsesa at Prinsipe rin ang nasa ganitong klasipikasyon ang lebel, ngunit kadalasan dito ay ang pangalawang anak na o kaya ay bunsong anak...
Ngunit sa kaharian ng Hilaga may isang prinsesa na naiiba sa kaniyang mga kapatid, ang klasipikasyon ng kaniyang kapangyarihan ay Klase Dos, mas mababa ito sa Klase Una at sa ARTEH. Siya lang ang nag-iisang may dugong bughaw na may pinaka-mababang klasipikasyon.