Rose Tan
5 stories
Blush Series 1:  Encrushed by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 205,639
  • WpVote
    Votes 5,217
  • WpPart
    Parts 20
Ang lupit naman yata ng mundo. Pinagkakaisahan na yata siya ng mga bituin ng tadhana. Ang kaibigan niyang kabit, mapapakasalan na; ang kabarkada niyang antipatika na hindi naman kagandahan, may seryosong boyfriend; ang friend niyang bading, may minamahal at nagmamahal; at ang kubang kahera nila, buntis at ikakasal na rin. Pero siya, si Amparo Dimailig, beinte-siyete anyos at beinte-dos oras na sa daigdig, may tamang sukat ng pangangatawan, nasa magandang kalusugan, may maayos na trabaho, may kabuhayan, ay wala ni kalahating suitor! At ang herodes na si Nemesio-ang crush niya since kinder-ay mas gugustuhin pang mapagbintangang bading kaysa magkagusto sa kanya!
sweet periwinkle by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 94,036
  • WpVote
    Votes 3,404
  • WpPart
    Parts 37
Fernie wrote loveletters to her one true love. She signed them, Sweet Periwinkle. Secret admirer ang peg. Nabuking.
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 180,077
  • WpVote
    Votes 4,391
  • WpPart
    Parts 21
Ang gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa yata siyang sunugin ng mga ito nang buhay dahil nga naniniwala ang mga ito na isa siyang aswang. Enter Carlo, her Lilliputian knight. Buong gilas siya nitong ipinagtanggol sa mga nang-aakusa sa kanya. "Mga katoto, aswang man po ay may karapatan sa due process, ayon sa Saligang Batas ng bansang Pilipinas!" buong giting na wika nito. Itinalaga pa nito ang sarili na maging tagabantay niya. Kapag daw nahati ang katawan niya, ito na ang bahala sa maiiwan niyang kalahati. Mahilig daw ito sa magagandang legs.
Semper Fidelis by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 113,474
  • WpVote
    Votes 4,651
  • WpPart
    Parts 39
It means Always Faithful. Motto ng US Marines, LOL. Semper Fi! They would always say to each other. Pero una kong narinig ang phrase na 'yan sa tatay ko noong little girl pa ako. Kay Mother niya sinasabi lagi. Totoo naman, always faithful si Daddy Bear. My parents love each other so much, minsan, ewww, lalo na noong bagets ako. So, not surprisingly, 'yan ang naisip kong title nang mabuo ko ang kwento nina Sari at Aldon. I;ve forgotten na na story, TBH. Kaya, i ask you na lang dear readers to join me in reliving this classic. Sa new readers, i truly hope that you will also find this novel enjoyable and heartwarming.
Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 170,422
  • WpVote
    Votes 3,052
  • WpPart
    Parts 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakompetensiya sa negosyo-ang Bud Brothers. Kaya naman sumugod siya sa teritoryo ng kalaban na ang tanging dalang sandata ay ang kanyang katapangan. Ngunit hindi pala sapat ang tapang niya, dahil sa kamalasan, si Ed Lacson ang nakaengkuwentro niya. She had planned to look dignified and poised in front of the adversary, pero nang makita niya ang former male model, lumipad ang composure niya. At mukhang balak siyang i-seduce ng lalaki para mabili ng mga ito ang kompanya niya. He's not my type, wika niya sa sarili, ngunit kahit split-ends niya, hindi niya makumbinsi.