penfullwrites's Reading List
3 stories
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly by BalatSibuyas
BalatSibuyas
  • WpView
    Reads 1,993,331
  • WpVote
    Votes 35,239
  • WpPart
    Parts 49
Simple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang registered nurse. Nangako na lang din siya na ilalaan na lamang niya ang pagmamahal sa kaniyang pamilya na nasa Pilipinas. Sa edad niyang kuwarenta ay tuluyan na siyang napaglipasan ng panahon at napabayaan ang kaniyang pangangatawan hanggang sa tumaba na siya nang husto. Nang kinailangang operahan ng kaniyang pinakamamahal na ina ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas para maalagaan ito. Sa kaniyang pagbabalik ay makikilala niya ang anak ng aristokratang alahera na matalik na kaibigan ng ina. Ang bente-singko anyos na heartthrob at isa ring hopeless romantic na si Stephen Aquino, ngunit head-over-heels naman sa sexy at maganda nitong girlfriend na si Sophie Barranda. Laking dismaya pa niya dahil ipinagkasundo pala siya dito sa kabila ng labin-limang taong agwat nila. Matupad kaya niya ang kahilingan ng ina o pangangatawanan na lang niya ang kaniyang pagiging isang old maid? Ano ang epekto ng kasunduang ito sa sa magandang relasyom nila Stephen at Sophie? Basahin at saksihan ang pagiging mabuting anak, kapatid, at kaibigan ni Beverly, ang kaniyang kulitan at kilig moments kay Stephen, at ang iringan nila ni Sophie. Sila at ang iba pa ang makakasama ni Ms. Beverly sa kaniyang huling biyahe. (Fanfiction for Ms. Regine Velasquez) "Every day is a journey, and the journey itself is home." -Matsuo Basho
Tagpuan (Completed) by ViMinKook_13
ViMinKook_13
  • WpView
    Reads 140,694
  • WpVote
    Votes 1,882
  • WpPart
    Parts 44
#1 in the philippines? Wow Salamat po!!!! Sa wakas may ranking na ang TAGPUAN sa ibat ibang categories :) THANK YOU SA MGA NAKABASA NA AT MAKAKABASA PALANG NG ISTORYA NINA GABRIEL AT ALIYA 😙 RANK #40 in Tagalog #66 in Romcom #1 LoveFiction Meet Aliya... she's pretty, smart and mayaman halos nasa kanya na ang lahat. Mabait at masunurin sya sa Dad nya na magisa nalang nagpapalaki sakanya dahil maaga syang naulila ng Mom nya pero nagbago sya mula ng magasawa ulit ang Dad nya, mag mula nun halos araw araw na nyang binibigyan ng sakit ng ulo ang mga tao sa bahay nila. Isang gabi hindi kinaya ng Dad nya ang kalokohang ginawa nya kung kaya't nagdesisyon ito na ipadala sa probinsya si Aliya na walang kamalay malay na makikilala nya na pala roon ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso na si Gabriel. Abangan natin ang mal a rollercoaster nilang relasyon at kung hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pagiibigan.
Shattered Stephen by BalatSibuyas
BalatSibuyas
  • WpView
    Reads 56,291
  • WpVote
    Votes 1,485
  • WpPart
    Parts 49
Salawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang dalawa ang magkakatuluyan. Iniwan man siya ng babaeng kaniyang tunay na minamahal ay nangako siya sa kaniyang sarili na hihintayin niyang muli ang pagbabalik nito. Sa pagkaguho ng kaniyamg mundo ay muli siyang aamahon para ayusin ang sarili. Sa kaniyang pag-ahon ay makikilala niya si Candice Peralta, isang misteryosang babae na handang ibigay ang lahat kapalit ng kaniyang pagmamahal. Makikilala rin niya si Apollo Valenzuela, isang gangster leader na hahamon sa kaniyang pagkatao, at maglalagay sa kaniya sa matinding panganib, mailigtas lamang ang buhay ng kaniyang mga kaibigan. Subaybayan ang kaniyang unti-unting pagbabago, at ang iba pang mga kapanapanabik niyang karanasan habang naghihintay sa muling pagbabalik ng kaniyang mahal na si Beverly.