alvinsantiago1999
- Reads 1,505
- Votes 75
- Parts 4
Naranasan mo na ba ang ma-inlove?
Nagkagusto ka na ba sa isang tao?
Nagmahal ka na ba?
Ako kasi ay Oo, nagkagusto na 'ko, na-inlove na ako at naranasan ko na rin ang magmahal.
Kaso lang ay may problema, kasi yung mga nagugustuhan ko ay kapwa ko rin, katulad ko rin at kapareho ko rin ng kasarian na tinatawag na "Babae".
Bakit ba kasi ipinanganak pa ako bilang isang babae?
Bakit ako ipinanganak bilang isang babae na may puso at isip na panlalaki?
Matatawag bang isang kapansanan ang isang kondisyon sa sarili ko na hindi akma ang puso ko sa katauhan?
Tanggap ko na babae ako, pero ang gusto kong malaman ay kung bakit ba panlalaki ang saloobin ko?
Maraming katanungan sa buhay ko na talaga namang wala akong magagawa para masagot ang tanong na yun at wala rin akong pag-asa na baguhin kung ano man ang ayaw ko sa pagkatao ko.
Babae ako at mananatili akong babae dahil yun na ako, pero paano naman yung gusto ko at yung karapatan ko na magmahal din bilang tao, kung hindi naman ako nagkakaroon ng espesyal na pagtingin sa isang lalaki na dapat naman talaga ay yun ang para sa akin?
Paano kung isang araw ay kina-ilangan kong magkagusto sa lalaki?
Sa isang lalaki na hindi pa angkop sa edad niya ang pagkakaroon ng seryosong relasyon?
Mahirap na nga akong pa-ibigin sa lalaki ay bibigyan pa 'ko ni tadhana ng isang lalaking mura o sa madaling salita ay mas bata sa akin.
Ang gulo no?
Kasing gulo ng katauhan kong hindi matanto kung saan ako dapat lumugar, kasing gulo ng katauhan kong babae pero lalaki ang nananaig na pag-uugali at puso ko, at kasing gulo ng katauhan kong sawi sa pag-ibig na nasa kapareho kong kasarian.