iamrouge1995
- Reads 1,256
- Votes 3
- Parts 1
Barkada's wild drinking sessions? Spin the bottle, out! King game, in!
Hindi masyadong popular sa Pilipinas ang King game, pero dahil ang mundo ay konektado hindi lang ng lupa, tubig o hangin kundi pati na ng internet, marami na ang naglalaro ng King game sa kanilang mga inuman dito sa bansa natin.
Simple lang naman 'to laruin, kailangan lang ng playing cards. Kunin ang cards na may numbers ayon sa pagkakasunod-sunod nito (isang suit lang) at bilangin iyon ayon sa dami ng maglalaro, tapos ay bawasan ng isa (yung pinakamataas na number) at ipalit doon ang king. Balasahin ang cards at ilapag iyon sa mesa o sa flat surface ng nakataob. Pipili ang mga players ng card nila at kung sinuman ang makakuha ng king ay magkakaroon ng rights na mag-utos. Pipili ang king ng kahit anong dalawang numbers (o isa) ayon sa available numbers na katumbas na bilang ng iba pang mga kumuha ng cards. Kung sinuman ang may hawak ng number/s na babanggitin ng king ang siyang gagawa ng kaniyang utos. Kung tumanggi ang sinuman na gawin ang utos ng king ay mape-penalize ayon sa mapagkakasunduan; iinom ng isang basong alak, isang boteng alak and the likes.
Pero paano nga kaya kung ang isang larong gaya ng King game ay maging bahagi ng inuman ng mga kabataan... sukuan kaya nila ito? May magkapikunan kaya? O baka may mamuong pag-ibig na di inaasahan?
Ang King game ay hindi laro para sa mahihina ang loob at maseselan. Mahihirap na dares ang pwedeng ipagawa sa iyo, mga bagay na hindi mo lubos iisiping ipagagawa sa mga kabataan. Bago magpilian ng baraha, hindi mo masisigurado kung king ba ang mabubunot mo o pangkaraniwang numero, pero isa lang ang sigurado, kapag sumali ka sa larong ito, handa ka dapat na sumagot ng "Yes, Your Highness"!