AMYGDALA_93
Warning: Mature content R18
Please be advised that this story contains mature themes and strong language.
All Rights Reserved
Copyrights © 2020 by LEEANNA89
*PROLOGUE*
Masaya at kuntento ang madaling paglalarawan sa buhay na tinatamasa niya ngayon sa piling ng lalaking pinakamamahal niya, walang iba kundi ang kanyang asawang si Neil. Halos walang maipipintas sa kanilang pagsasama sabi nga ng ilan nilang kaibigan naging parte ng kanilang pag-iibigan. Maituturing na nga niyang isa siya sa mga pinaka maswerteng babae sa mundo kaya naman wala na nga siyang mahihiling pa at sobra din siyang nagpapasalamat na ibinigay ng Panginoon ang kanyang matagal ng pinagdadasal, ang makuha ang puso ng lalaking matagal na niyang iniibig.
Halos perpekto ang lovestory na kanyang binubuo kapiling ang kanyang asawa ngunit ihindi niya inaasaahang isang bangungot ang magpapaguho ng kanyang buong pagkatao. Totoo ngang walang perpekto, na hindi laging puro saya lang ang buhay, na hindi laging aayon sayo ang mundo, tanggap na niya iyon, pero bakit kailangang ganon kabigat ang kailangan nilang pagdaanan? At bakit kailangang pagdaanan niya itong mag isa? Paano siyang magpapakatatag kung ang pinagkukunan niya ng lakas ay siyang dahilan kung bakit siya lugmok at hindi makausad?
Ilang taon narin ang lumilipas ngunit tila walang kagalingan at hanggang ngayon ay nanatili parin na nagdurugo ang sugat na iniwan ng kanyang asawa. Sobrang hirap, pakiramdam niya'y walang katapusang pagdurusa ang kailangan niyang pagdaanan para lang makasurvive sa isang buong araw. Sobrang sakit ngunit umaasa siyang isang araw ay muling bumalik ito mula sa kabilang buhay upang gamutin ang sugat na iniwan nito sa kanyang puso.