2 stories
ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Book 3) (Complete) by angelodc035
angelodc035
  • WpView
    Reads 16,495
  • WpVote
    Votes 919
  • WpPart
    Parts 65
Do you have the guts to play their games in a world ruled by powerful gods? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odessa ang kanyang tungkulin bilang tagapagganap sa propesiya upang pigilan ang unti-unting paglupig ng mga anak ng buwan sa Sanlibutan. Ngunit may mas hihigit pa pala sa inaakala niya ang kinahaharap na problema sa Sanlibutan, ito ang pagkawala ng balanse ng tatlong mundo dahil sa pagkawala ni Bathala. Sa pagbabalik niya sa Sinukluban ay kakaharapin niya ang pinakamatinding pagsubok sa kanyang buhay. Nakasalalay sa kanyang mga kamay ang kaligtasan ng buong Sanlibutan, dahil magiging hamon sa kanya ang mga nalalabing oras para magawa niyang pigilan ang mga anak ng buwan at ang tuluyang pagkasira ng mundo. Kaya bang makipagsabayan ni Odessa sa mga diyos at diyosa ng Sanlibutan sa kanilang laro para sa katapusan ng mga tao sa mundo? O baka sa huli ay hindi siya ang magwawagi at mauuwi lahat sa wala dahil kamatayan ang kasasadlakan ng isang talunan? Sino ang tunay niyang kakampi para magawa ang kanyang tungkulin? Sino dapat ang kanyang pagkakatiwalaan upang masiguro ang kanyang tagumpay?
ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) by angelodc035
angelodc035
  • WpView
    Reads 47,645
  • WpVote
    Votes 2,364
  • WpPart
    Parts 71
FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic) Pagkatapos maibalik ang alaala ni Odessa dela Rosa sa tulong ni Demetria ay sunod-sunod na dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay ang pagkakadukot kay Laurea (Mariang Sinukuan) na itinuring niyang kapatid sa mahabang panahon. Nangangamba siya sa kalagayan nito dahil sa labis na paggamit sa kapangyarihan laban sa mga lamang-lupa. Pero naniniwala siya na may mas mabigat na dahilan sa pagkakadukot ng diwata. Pangalawa, ang pagkakatuklas ng kapangyarihan ni Randy bilang si Banaual, ang bunsong anak ni Bathala bilang tagapagmay-ari ng Eskrihala. Ano ang kaugnayan ni Banaual sa naging buhay ni Odessa dati? Pangatlo ay ang pagkikita nilang muli ni Claudius pagkatapos ng napakahabang panahon. Ang paghihiganti ni Odessa sa kanya sa kalapastangang ginawa niya sa kanya at sa mga kinikilala niyang magulang. At ang huli ay ang pagkawala ni Bathala at ang namumuong tensiyon at alitan sa pagitan ng mga diyos at diyosa para maipit ang mga tao sa muling pagsiklab ng digmaan ng mga anak ng buwan at mga elemental. Makakayanan pa kayang ipagtanggol ni Odessa ang mga tao sa pagitan ng mga naglalabang mga makapangyarihang nilalang? Makikilala na kaya ni Odessa ang tunay niyang mga magulang? Muli ay sundan natin ang pagpapatuloy sa pakikibaka ni Odessa laban sa kasamaan at samahan natin siya sa pagtuklas sa kanyang mga tunay na magulang.